Kabanata 11

10 3 0
                                    

Andito ako ngayon sa silid ng mahal na prinsipe. Pinapanood ko lang itong magbasa ng hawak na libro. Seryuso ang mukha nito at bahagyang nakakunot ang noo.

Maya-maya ay tumingin naman ito sa akin pero nanatili lang naman akong nakatingin sa kaniya. "Ano ang iyong dahilan at kanina mo pa ako tinititigan, anak ng buwan?"

"Ipinagtataka ko lamang kung bakit palagi mong binabasa ang mga libro na iyan." Pagtukoy ko sa libro na tungkol sa buwan at sa mga anak nito. Libro tungkol sa akin at sa pamilya ko.

"Gusto ko lamang na lubos ka pang makilala, anak ng buwan. Masama ba ang pagbabasa ko ng mga librong ito? Sabihin mo lang at ipapasunog ko kaagad ang mga ito." Seryusong saad nito habang deritsong nakatingin sa aking mga mata.

"Hindi na kailangan. Pwede mo iyang basahin sa aking pahintulot. Hindi ko lamang alam kung totoo ba ang mga nakasulat sa librong iyan. Kaya huwag mo sanang paniwalaan ang lahat ng iyong nababasa, mahal na prinsipe."

"Halika ka rito. Sabihin mo sa akin kung saan ang totoo at saan ang hindi sa mga nakasulat rito." Lumapit naman ako doon at naupo sa harapan nito. "Hindi mo na naman nilagay ang iyong binyeo, anak ng buwan."

"Ikaw ang maglalagay sa akin nun, hindi ba? At andito lamang ako sa iyong silid kaya ayos lang sa akin kahit hindi na maglagay niyon sa aking buhok." Saad ko at napatingin sa librong hawak niya. Naramdaman ko naman na sinuklay nito ang buhok ko at hinayaan ko lamang siya.

"Masyadong kakaiba ang iyong buhok, Sin. Labis ako nitong pinapahanga."

"Buhok ko lamang ba ang nakakuha ng iyong atensiyon, mahal na prinsipe?"

"Hindi. Ikaw mismo ang nakakuha ng aking atensiyon, anak ng buwan."

"Hindi ito totoo." Saad ko at itinuro ang isang impormasyon tungkol sa akin.

"Matagal na iyang isinulat kaya siguro hindi na tumugma sa iyong edad, anak ng buwan."

"Ang layo ng aking edad kesa sa nakalagay rito. Siyamnapung taon ang nakalagay rito pero isang daan at siyamnapung taon na ang edad ko ngayon, mahal na prinsipe." Lumingon naman ako sa kaniya at nakita kung natigilan ito dahil sa pagkagulat sa aking sinabi. Maya-maya ay itinaas naman nito ang kamay at hinaplos ang pisngi ko.

"Bakit tila yata pinaglalaruan ako ng aking paningin, kung gano'n? Bakit isang ka-edad ko lamang na lalaki ang nasa aking harapan ngayon?"

"Isang daang taon pa ang iyong hihintayin bago mo makita na magbago ang aking mukha. At kung magbago man ay kaunti lamang. Ang isang taon niyo rito ay sampung taon na para sa amin." Sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Hindi ko na ata maabotan pa iyon. Hindi ko na ata makikita pa na tumanda ka, anak ng buwan." Saad nito habang patuloy pa rin sa paghaplos sa aking mukha. Umayos naman ako ng upo at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa.

"Sasamahan mo ba ako mamaya na pumunta sa lawa?" Pag-iiba ko sa usapan naming dalawa.

"Pwede ba akong maka-hindi sa isang anak ng buwan?" Tanong nito kaya napataas naman ang gilid ng labi ko.

"Hindi." Sagot ko at nagpatuloy sa pagbabasa. Nanatili pa kami sa kwarto nito ng halos isang oras pa bago tuluyang lumabas.

Dumeritso kami sa silid kainan at agad kung nakita na nakaayos na ang mga pagkain namin.

Agad na naagaw ang pansin ng marami at iba't-ibang klase ng tinapay na nasa isang parte ng mahabang mesa na mababa.

"Subukan mo ang mga panibagong tinapay na gawa ng pinakamagaling na panadero dito sa Duwan." Napatingin naman ako sa aking katabi at senenyasan ako nito na lumapit doon.

SINESTRO Where stories live. Discover now