Chapter 21: Here Comes the Sun

2 0 0
                                    

Tinanghali siya ng gising kinabukasan at unang nabasa ang message ni Paolo na nireremind sya tungkol sa birthday ni Leo sa susunod na araw. Bumangon naman siya agad at nagdesisyong mag-grocery mag-isa.


Bago siya nakatulog kagabi, naisip niyang magbake ng cake para kay Leo. The idea came after a long deliberation on whether she should go or not. It might be thanks to Santi, but Soleil feels like she should credit herself instead.


"Groceries? Mag-isa?" tanong ni Kathy sa kabilang linya ng cellphone.


Napabuntong-hininga naman si Soleil. "No big deal. Saglit lang naman ako and wala masyadong tao."


"Soleil!" sigaw nito na dahilan upang mailayo ni Soleil ang cellphone sa tenga.


She sneered. "Hoy Katherine! You have to decide whether you're gonna be respectful or not and stick to it. Miss Soleil? Ate Sol? Soleil? Pick one!"


"Wait." Narinig niyang bumuntong-hininga ang PA sa kabilang linya. "Dapat kasi sinabi mo na lang sa akin na may kailangan ka para ako na bumili."


"Stop nagging," giit ni Soleil, na hininaan ang boses dahil may nakakapansin na sa kanya. "May lakad pala ako tomorrow hanggang Sunday. So take the day-off."


"Alam ko. Sinabi sa akin ni Sir Pao."


"Oh, he did? Great. Goodbye then."


"Wait lang! Ate Sol—"


"Bye!"


Hindi na niya inantay na matapos magsalita si Kathy at pinatay din kaagad ang tawag. She was on her phone when something bumped against her from behind. Agad na napalingon siya dito at naupo nang makitang isa itong batang babae.


"Hala sorry! Ayos ka lang ba?" she asked, scanning the child to see if anything was wrong.


Tinignan lang siya ngbata bago umalis habang sumisigaw ng; "Papa!"


Sinundan niya ito ng tingin at nakita ang isang puting sasakyan sa gilid ng kalsada. The girl ran towards that car and opened the door. Saglit lang iyon, pero namataan niya ang driver nito. He looked eerily familiar and Soleil wondered where he know him from as she walked towards her car. Biglang nag-ring ang cellphone niya kaya napatingin siya dito at nakita ang pangalan ni Kathy. She ignored this and rushed home.


Early the next day, Paolo came to pick her up. Handa na si Soleil kaya hindi na sila nagtagal masyado sa unit niya. Habang papunta sa venue, dumaan sila sa isang sikat na sports brand store kung saan iniwan ni Paolo si Soleil sa loob ng sasakyan upang bumili. When he came back, he had a gift box.


"Is that for Leo?"


"Oo," sagot nito habang nagsi-seatbelt.


"Oh no, I didn't bring anything, except sa cake."


Sing Me a Song, SoleilWhere stories live. Discover now