Chapter 13: Cancel Culture

5 1 0
                                    

It is daytime, but Soleil is blinded by the bright flashes of cameras taking pictures of her nonstop. Patuloy ang pagbabato ng mga katanungan kay Soleil habang sinusubukan niyang makaalis sa gulo. Soleil could only raise her hands to try and cover her face.

"Stop it..." saway niya sa mga ito pero tanging siya lamang ang nakarinig.

Her mind is a mess and her knees are weakened due to shock and confusion. Pakiramdam niya ay kahit anong sandali ay mahihimatay siya sa labis na pagkahilo. Ngunit bago pa man tuluyang mawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod, isang makapal na tela ang nagtakip sa kaniyang ulo at isang pares ng kamay ang dahan-dahang humila sakaniya palayo sa mga tao. This thing obstructed her view, but she can still hear people talking as they try to follow her.

She allowed this person to drag her wherever. Underneath the thick fabric over her head, Soleil also allowed her tears to fall. Hindi niya halos maintindihan anong nangyayari pero alam niyang hindi ito maganda at maaaring maging katapusan ito ng career na sinisimulan niya pa lang.

Muling nagbalik sa kaniyang alaala ang nangyari sa farm at rumehistro sa kaniyang isipan ang mga masasakit na salita mula sa ilang social media users na hindi siya gusto. Her eyes blurred with the tears she was too stunned to wipe away.

"Santi? Si Santi 'yon 'di ba?" said one person, making Soleil's ears ring.

"Santi!"

"Santi sandali!"

'Santi?' bulong ni Soleil sa sarili.

Naramdaman ng dalaga ang isang kamay sa kaniyang ulo. She instinctively lowered her head and found herself stepping into a vehicle.

Isang tao ang tumabi sa kaniya at sinara ang pinto bago inalis ang nakatakip sa kaniyang ulo. Sure enough, it was him, Santi. Again, umiiyak na naman siya sa harap ni Santi.

"Santi!" bulalas niya.

Bakas ang pag-aalala sa mukha ng binata nang bigyan siya nito ng malungkot na ngiti.

"Balik tayo sa condo saglit, Nils," utos niya sa PA na nasa driver's seat. Mabilis na pinaandar naman nito ang sasakyan.

"Thank you," Soleil croaked, looking away to wipe her face and calm down.

"I'll take you home. Someone will take care of it. Wag kang mag-alala."

Soleil swallowed the lump in her throat and was quiet until they reached the condo. Maging dito ay may mga reporters din na naghihintay sa labas. Dumiretso si Nils sa underground parking. Dahil na rin sa payo ni Nils, nanatili si Santi sa sasakyan saka sila pumasok sa loob ng building at mabilis na tinungo ang unit ni Soleil.

"Thank you so much, Nils. I owe you," sabi ni Soleil na tinugunan ni Nils ng ngiti.

"Sure ako may darating para samahan ka. Wag ka masyadong mag-alala, okay? Stay away from your phone for a while."

Akmang aalis na si Nils nang tawagin siyang muli ni Soleil. "Pakisabi kay Santi, salamat."

Nils smiled and nodded before leaving. Naiwan siyang mag-isa sa kaniyang unit at agad din niyang hinayaan ang sarili lumupaypay sa malamig na sahig. She wanted to cry, but the extreme anger in her heart won't le a tear fall. She remembered what happened last night and recounted the truth about this issue. Naalala niya ang poot na naramdaman sa direktor na sinubukan siyang gamitin at ang labis na galit kay Patty na siya pang nagtutulak sa kaniya na pumayag.

She felt a knot in her stomach and the bitter taste in her mouth made her run to the kitchen sink and throw up. Her head was in the sink for a while before she finally recovered. Nanghihinang inikot niya ang gripo at hinayaan itong hugasan ang kalat niya sa lababo. After wiping her face, tinungo ang sofa upang dito mahiga. Her heart is beating wildly out of its cage and she feels like all her neurons are functioning simultaneously to the point where nothing in her head makes sense anymore. Nagriring ang kaniyang cellphone at nararamdaman niya ito sa kaniyang kamay pero wala siyang sapat na lakas upang sagutin kung sino man ang tumatawag. Nils advised her to stay away from her phone anyway.

Sing Me a Song, SoleilDonde viven las historias. Descúbrelo ahora