Chapter 1: Don't Stop Believin'

18 5 1
                                    


COLD. The water pouring down from the shower to Soleil's body was as cold as ice. Mag aalas-siyete pa lamang ng umaga nang s'ya ay pumasok sa banyo para maligo. Halos manakit ang kaniyang panga sa sobrang panginginig nang abutin n'ya ang tuwalya mula sa sabitan. 

Kung tutuusin, hindi n'ya naman kinakailangan magtiis maligo ng malamig na tubig, ngunit paulit-ulit na rumerehistro sa kan'yang isipan ang bill ng kuryente noong nakaraang buwan at hindi niya mapigilan ang sarili na magtipid. The fact that the bills just keep raising while her salary remains stagnant is bothering her so much more than she likes to admit.

"Really? Cold shower?" Sarah sneered, lifting her eyes from her phone and giving Soleil a look of disbelief. "Hindi ka na naman nagheat ng water?"

Napatingin si Soleil sa gawi ng dining table, kung saan nakaupo si Sarah habang nakatitig sa phone. Kaharap niya ang sampung taong gulang na si Kitty; sa phone din nakatingin. Nakahain na ang pagkain sa mesa at tila naghihintay na lamang ito ng makakasabay sa hapag.

"Di ko kinakaya ang Meralco," sagot ni Soleil saka hinigpitan ang pagkakabalot ng tuwalya sa katawan. "Besides, it's healthier to bathe with cold water."

Sarah scoffed, rolling her eyes. "Typical of you to pretend to know stuff when you don't."

Soleil just gave her a playful smile and headed for her bedroom. Hindi nagtagal ay sinamahan na niya ito sa hapag at sabay silang kumain. Sunny-side ups and sausages; ito ang unang beses na nag-agahan si Soleil sa bahay ngayong buwan. She never needed to because she rushes out for work every morning. But on days like this when some people sleeps over, she gets to eat early.

They were all eating quietly, which was unusual because Sarah had always been the talkative type. Nang mapansin ito ni Soleil, napatingin siya sa kaibigan at nakita ang pag-aalangan sa mukha nito.

"What's up with you?"

Sarah smiled sheepishly. "I know hindi today ang schedule ng gig mo, but can you come in later? I have special reservations and I want to give them the best experience." 

"I will never sing for free, Sarah," pagbibiro ni Soleil kaya napasimangot si Sarah.

"Alam ko. At when ba kita hindi binayaran ha?"

Ngumiti ng malapad si Soleil. "Special customers? So the pay must be special din, 'di ba?"

"Mukhang pera ka na masyado, alam mo ba 'yun? Oo na."

"I'll be there," natatawang sabi ni Soleil.

Tumunog ang cellphone ni Kitty kaya napabaling sa kaniya ang dalawang nakatatanda. The little girl gave Soleil a knowing look, which was instantly understood by the latter.

"Is it time to leave na?" tanong ni Soleil na tinugunan ni Kitty ng isang tango. "Alright."

Tumayo na rin si Soleil at niligpit ang pinagkainan nila ni Kitty. 

"Wait, wait, wait," nagmamadaling sabi ni Sarah bago uminom ng tubig at dali-daling dinala ang pinagkainan sa lababo. "Let's all leave together."

"Relax, we have time," sambit ni Soleil saka sinimulang mag-ayos.

Habang inaayos ng mga kasama ang kanilang mga gamit, nagliligpit naman si Soleil ng mga natitirang kalat sa paligid. Saglit na inikot niya ang paningin sa kaniyang bahay; isang 60 square meter condo unit na may dalawang kwarto, iisang banyo, maliit na sala, maliit na kusina, at balkonahe. Soleil never had a problem with space as she is living alone, in fact, she thinks it enough. Secure, mabilis linisin, at maluwag. Ngunit hindi niya pa rin mapigilang matawa dahil siya lang ata ang nakatira sa isang high-end condominium na nagtitipid sa tubig at kuryente.

Sing Me a Song, SoleilWhere stories live. Discover now