Chapter 12: Scandalous

5 1 0
                                    

8:30 pm. The casts and staffs of Celebrity Olympians are leaving the shooting site one by one. Abala ang crew sa pag-aayos ng kagamitan sa shoot, habang ang ibang trabahante ng farm ay nililinis ang paligid pagkatapos ng mahabang araw na trabaho.

Matthew is resting inside their van while Kevin was standing outside clutching his phone impatiently. Panay ang paalam at pagbati sa kaniya ng mga dumadaan na tinutugunan niya lamang ng ngiti at pagkaway. Hindi niya alam anong dahilan bakit hindi pa sila umaalis, pero umaasa siyang makasabay nila si Soleil sa byahe pauwi.

"Wala pa si Nils?" inaantok na tanong ni Matthew.

Nilingon siya ni Kevin at tinapik ng mahina sa balikat. "Matulog ka na. Baka may inaasikaso pa."

Huli niyang nakita si Nils na kasama ang PA ni Soleil, kaya iniisip niyang malamang ay magkasama pa ang mga ito. Pero mag-iisang oras na at hindi pa rin ito bumabalik.

"May nangyari ba? Sobrang tagal ata," reklamo pa ulit ni Matthew.

Saka lang nag-alala si Kevin. Kay Paolo at Nils, si Nils ang pinakamabilis kumilos at laging sinisiguro na agad silang nakakauwi pagkatapos ng bawat schedule. Ito ang unang beses na natagalan sila dahil hindi pa handang umalis si Nils.

"I'll call him," Kevin said to assure Matthew.

Just as he was about to dial the PA's phone number, Kevin spotted both Nils and Patty running towards him. Habol ang hiningang tumigil ang dalawa sa harap niya at mukhang alalang-alala.

"The heck's wrong with you guys?" nagtatakang tanong ni Kevin.

Hinihingal na nagsalita si Patty. She was frantic and panicking, but Kevin understood her clearly. Before she could even finish talking, Kevin started running. To where? He had no idea, he just ran. Napansin ni Matthew ang naging reaksiyon ni Kevin kaya maging ito ay napaigtad sa kinauupuan.

"Anong nangyari?" tanong niya sa dalawang PA.

"Hindi namin mahanap si Soleil kahit saan," sagot ni Nils.

Mabilis na inikot ni Kevin ang paligid. Nauna siyang pumunta sa mess hall, tapos sa area kung saan sila naghapunan ng magkakasama. Sunod niyang tinakbo ang direksiyon ng ilog na may kalayuan sa pagbabaka-sakaling nandoon ang dalaga. Ngunit wala ni anino ni Soleil ang nahanap.

Meanwhile, the entire farm has been alerted. Mabilis na ipinag-utos ng may-ari ng farm na hanapin si Soleil. Maging ang production crew ng show ay tumulong na rin sa paghahanap pati na ang mga actors na hindi pa nakakaalis. Inikot nila ang hacienda na may dala-dalang flashlight at panay ang sigaw sa pangalan ni Soleil. Ngunit wala silang nakita at walang sagot na natanggap.

"Call someone! Get help!" natatarantang utos ni Matthew kay Patty.

"Tumawag na ako ng pulis. Tinawagan ko na rin ang TS."

Maya-maya pa ay isang babaeng staff ng farm ang naghuhumangos na lumapit sa kanila hawak ang isang cellphone. Namukhaan ni Patty ang cellphone ni Soleil at agad na inagaw ito sa babae.

"San mo nakuha 'to?"

Hinihingal na tinuro ng babae ang gawi ng pantry. "S-sa pantry! Nasa pantry si Miss Soleil!"

Mabilis na tinungo ng mga nakarinig ang pantry at nakita ang walang malay na si Soleil sa loob ng cold room. Exclaims of shock and bewilderment can be heard from everyone as soon as they saw Soleil's state. Hindi nagdalawang-isip si Matthew at agad na kinarga ang nanlalamig na katawan ng dalaga.

"Padaan!" sigaw niya at agad namang gumawa ng daan ang mga tao.

He saw Kevin who was still panting and looked like he had just heard where Soleil was found. Tinawag niya ito at dahan-dahang pinasa sa kaniya ang katawan ng dalaga.

Sing Me a Song, SoleilWhere stories live. Discover now