Chapter 20: You Are Your Mother's Child

2 1 0
                                    

NAGISING si Soleil na namamanhid ang braso kinabukasan. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa ospital at nagulat nang mapansing naroroon si Kitty at ang kaniyang Kuya Anthony. Ngunit mas ipinagtaka niya na nagising siya sa sofa sa halip na sa upuan katabi ng Dad niya.


"Goodmorning Tita."


Nginitian ni Soleil si Kitty at marahang tinapik ito sa ulo.


"How long have you been here, Kuya?" tanong niya sa Kuya pagkabangon niya.


"Not long," sagot nito habang abala sa paghuhugas ng prutas. "Pero dumaan ako dito kagabi at nakita kitang natutulog. You wouldn't wake up no matter how hard I tried, kaya nilipat na lang kita jan."


"How's dad?"


"Pwede na siya umuwi ngayong araw. Inaantay lang ang discharge certificate niya."


"Great."


Lumapit si Anthony at inabot ang isang mansanas kay Soleil. Tinanggap niya naman ito.


"Is Dad sick?"


"Talk to him yourself, Sol," kalmadong sagot ng Kuya bago nilapag sa mesang katabi ng kama ng ama ang plato ng prutas.


Pinulot ni Anthony ang bag ni Kitty at sinuot ito sa anak.


"Well, we have to go now," he beamed. "Darating ang nurse maya-maya para sa breakfast ni Dad. You can stay as long as you like."


"Okay, Kuya. Take care." Binigay niya ang mansanas kay Kitty at hinalikan ito sa pisngi. "Have fun at school."


Tahimik lang si Soleil sa loob ng halos isang oras na kumakain ang kaniyang ama. Panay ang sulyap niya rito habang kumakain din siya dahil hindi niya magawang makakuha ng tamang tiyempo para kausapin ito.


"Don't you have work?" tanong ng Dad niya na ikinagulat niya.


"Ha? Yeah. No, I don't." She sighed in frustration. "But I didn't quit. I just cleared up my schedule."


"You cleared up your schedule?" nagtatakang tanong ng ama. "Kailan ko kayo tinuruang maging iresponsable sa trabaho?"


"What?"


Soleil's reaction was legit. Bagamat naintindihan niya ang sinabi ng ama, ang dahilan ng pagtataka niya ay ang attitude nito nang malamang kinansela ni Soleil ang lahat ng trabaho niya ngayong araw.


"I guess being a celebrity makes you a very important person," he continued. "Important enough to waste other people's time with no consequences."


"Dad," untag ni Soleil at napatingin naman ng diretso sa kaniya ang ama. "Don't mock me."


Sing Me a Song, SoleilWhere stories live. Discover now