Chapter 15: In Our Bones

4 0 0
                                    

MAAGA sila sa TS kinabukasan para sa final setlist ng album ni Soleil. Nang dumating siya sa conference room kasama si Paolo, nadatnan niya si Santi na nakaupo kasama ang dalawang babaeng ngayon niya lang nakita.


"Soleil, meet the songwriters. Sila ang gumawa ng songs na kasama sa album mo," sabi ng marketing strategist.


Nag-aalangang ngiti ang binigay ni Soleil sa kanila bago dumapo ang kaniyang paningin sa nakangiting si Santi.


"Santi is also here because he said you checked out one of his songs and you loved it."


"I did?" tanong ni Soleil na nakatingin pa rin kay Santi.


Nagtaka naman ang staff. "Bakit? Did you not? Pero sinend niya sa akin ang demo kagabi. I listened to it and it was definitely your voice."


The woman turned to Santi and narrowed her eyes at him.


"Did you send me a fake, Santi?" naghihinalang tanong niya.


Natawa si Santi sa biglaang akusasyon. "No, god no. It's legit."


Nilipat ng babae ang tingin kay Soleil at naghintay ng sagot.


"Yeah... I did record it," nahihiyang sabi niya.


Ngumiti naman ang ginang at pumalakpak.


"Good, then it's settled. 'Hello' will be an official addition to your album!"


Kalahating taon. Kalahating taon na simula nang maging ganap na artista si Soleil ngunit sa bawat araw, paulit-ulit niyang napagtatanto sa sarili na marami pa siyang dapat malaman at aralin. Nagsimula siyang mag-voice lessons at mag-dance classes para hubugin ang kaniyang kakayahan bilang performer para sa album na ito. Soleil personally thought she was good enough, but she was surprised to know she can still improve with professional training. Hindi lang basta timbre ng boses niya ang nag-improve, pati na rin ang kaniyang singing techniques at ang iba't-ibang singing styles na kaya niyang gawin.


"Good morning, Sol! Maaga ka ngayon ah. Tapos na voice lessons?" tanong ni Jessie, isa sa music engineers na katrabaho niya.


"Kagagaling lang namin doon. Kanina pa kayo dito?" magalang na tanong ng dalaga. Nakasunod sa kaniya si Paolo na may dalang kape para sa lahat at may hawak na asul na box.


"Hi guys," bati ng PA. "Got coffee para sa lahat."


"Ooh, yan ba yung special Soleil box?" tanong ni Noel, isa rin sa engineers.


Ngumisi si Paolo at nilapag sa tabi ni Soleil ang box ng macarons. Even the staff now know about the macaron box that she gets from time to time. 


"Kung sinuman siya, napakaconsistent niya," tukso ng isa.


Sing Me a Song, SoleilWhere stories live. Discover now