Chapter 9: Sweet Chaos

8 2 0
                                    

Soleil basked in the showers of compliments from the 'bosses' of Top Star Creatives the next day. Then from the company, tumungo si Soleil sa susunod na schedule; sa isang art gallery kung saan may dalawang taong naghihintay sa kaniyang pagdating. Agad na nagpakilala ang babae bilang Julie, ang mag-iinterview sa kaniya. Kasama niya ang isang photographer na siya namang kukuha ng pictures para sa feature na ito.

"Naglunch ka na ba?" tanong ni Julie. Umiling naman si Soleil. "Good. Nagprepare kami ng lunch for all of us habang nag-uusap tayo."

"Thank you. I am starving," she quipped and they both laughed.

"Shall we begin? Uunahin muna natin ang interview before ang photoshoot."

Nagsimulang magtanong si Julie. Mga tanong tungkol sa kaniyang buhay bago naging artista, challenges, opportunities at motivations; mga bagay na hindi alam ng ibang tao tungkol kay Soleil. Tinanong din siya nito tungkol sa kaniyang mga iniidolo at mga artistang gusto niyang makatrabaho. 

Soleil thanked the fact that she is not socially awkward and can carry a conversation with so much ease. Bago dumating ay kinakabahan siya habang iniisip anong isasagot sa mga tanong. Payo sa kaniya ni Julie ay maging komportable siya sa pagsagot at nangako rin itong wala siyang itatanong na maglalagay kay Soleil sa hotseat.

"Everyone's been very curious about this, so I was hoping I could ask this question."

Soleil gave her a questioning look, which prompted Julie to continue.

"Is there any special relationship between you and The Players?"

Natahimik si Soleil, iniisip ng maayos anong dapat niyang isagot. Napansin naman ni Julie ang pangdadalawang isip niya kaya agad niyang binawi ang tanong.

"You don't have to answer it if you don't want to."

Umiling si Soleil. "No, it's alright, actually. Nagtataka lang ako bakit maraming curious tungkol jan. Then I remembered it's The Players we're talking about. People will always be curious."

"I know, right?" Julie giggled.

Naalala ni Soleil ang paalala ng TS management tungkol sa The Players. Ayos lang naman daw na sagutin niya ang mga tanong tungkol sa kaniya at sa banda as long as puro katotohanan ang isasagot niya. But Soleil wondered what it would do to her image as an artist. Wouldn't it seem like she is riding on The Players' popularity by telling people that Jaden is her bestfriend?

"Can we skip that question, though?" nag-aalangang tanong niya na hindi ikinagulat ni Julie.

"That's too bad. Maging ako kasi curious eh," sambit nito. "Well, pwede ko namang itanong sa kanila mismo since magkakachance naman akong umupo sa isang interview kasama sila in a few days."

"Yeah, you could do that."

It would be better if the words come out of the boys' mouths instead of hers. Although sinabihan siyang huwag mag-alala sa image niya, nangangamba pa rin siya na baka isipin ng mga tao na nakikisakay siya sa banda.

Saglit na nagpictorial sila para sa magazine bago bumalik sa TS building. Nadatnan niya sa recording studio ang staff para sa final touches ng kaniyang release.

"The release will be on Saturday and you will perform it live for the first time on The Sunday Rush," sabi ni Nelson.

Dumagdag si Patty. "Nakaschedule ka for rehearsals on Saturday afternoon. May pre-recording ka rin mamaya para sa MTV Philippines."

Isa-isang nilahad nila ang mga detalye kay Soleil na tahimik na nakikinig sa mga eksperto. Tinatandaan ang mga importanteng detalye at ina-analyze anong magiging parte niya sa buong proseso. Bukod sa live performances, ginabayan din siya ng PR team sa pagbuo ng kaniyang social media profile at pagpopost ng promotional announcements. Dahil dito, lalong dumami ang followers niya online na nag-aabang sa magandang balita.

Sing Me a Song, SoleilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon