Chapter 8: 11:11

6 2 0
                                    

Things started to get real for Soleil the day after signing with Top Star. Maaga siyang sinundo ni Patty upang dalhin sa TS building. Hindi niya na rin kanailangang itanong anong gagawin niya ngayong araw dahil malinaw na sinabi iyon sa kaniya ni Patty bago sila makauwi kagabi.

"Today marks the first day of producing your first song," nakangiting sabi ng isang lalaking nagpakilala kanina bilang Nelson--ang publicist na naka-assign sa proyekto.

Ngumiti lang si Soleil at naupo kaharap ang mga kasama niya sa meeting na ito. Bilang baguhan at walang ideya sa mga bagay-bagay, pinili ni Soleil na makinig at pagtuunan ng pansin ang bawat detalye ng magiging recording process.

They first determined the concept of Soleil's first release and decided on what would look good on her. Noon lamang unang naisip ni Soleil na may mga concept na hindi niya kayang gawin sa kabila ng malawak na vocal range.

"Your RnB skill is beyond amazing," komento ng isa sa staffs. "And usually, para sa mga bagong soloists, RnB is among the best choices for first releases."

Umiling ang isa pa sa kanila. "I disagree. At the festival, she sang songs by Ariana Grande and Beyonce. These pop songs made her super popular."

"Or, pwede kang maging vocalist ng isang banda, considering that your versatility in rock songs is impressive too," dagdag pa ng isa. "Don't you think mas magiging interesado ang mga tao kapag pinakilala natin si Soleil bilang isang vocalist? Marami na ang pop singers sa bansa as of today. That means a lot of competition."

"Competition shouldn't be the problem," pagsali ni Nelson sa usapan. "Soleil is probably the most popular internet celebrity at this very moment. Ang dapat na isaisip natin ngayon ay kung kakayanin niya bang ipagpatuloy ang hype."

His statement silenced the room. Kahit si Soleil ay napaisip sa tanong. Paano niya magagawang ipagpatuloy ang nasimulan? Sikat siya online at naging mas kilala pagkatapos ng Spirit Fest. Being invited to perform in a big event is one thing, but releasing her own song is another. Nelson was right to ask whether she will be able to live up to the hype.

"An original song release may be the best for an aspiring singer, but it's also risky. We have to be very careful in our song selection," dagdag ni Nelson.

Natapos ang meeting ng walang pinatunguhan. Bagama't nasimulan nilang pag-usapan ang proseso at mga kakailanganin, pagdating sa konsepto at pagpili ng kanta ay wala pa silang ideya kung saan sila tutungo. The team promised to present something useful the next day and Soleil chose to trust them.

"Where are we going, Patty?" tanong ni Soleil sa PA nang mapansin ang pagliko nito sa isang parking area.

"Alovia Beauty Clinic," sagot ni Patty saka binuksan ang pinto ng sasakyan.

Sumunod naman si Soleil nang lumabas ang kasama.

"You know, I would appreciate it if you let me know about things beforehand instead of just taking me everywhere," sabi ng dalaga habang nakatayo sila sa harap ng building.

Tinignan lamang siya ni Patty at binigyan ng tipid na ngiti.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

"Alam ko. Pero kung magkakakasama tayo ng matagal, maaappreciate ko kung magiging komportable tayo sa isa't-isa."

"Sayang lang yan sa oras. Gawin mo na lang ang trabaho mo, at gagawin ko naman ang part ko."

Soleil was astounded by the response but Patty merely smiled at her and motioned her to step inside the building. Pinili ni Soleil na sumunod na lamang sa loob. Sa isip niya, malamang ay si Patty yung tipo ng taong hindi mahilig makipagkaibigan sa katrabaho. Naisip niya na lamang  na irespeto ang kagustuhan nito. She has no problems keeping things platonic anyway.

Sing Me a Song, SoleilWhere stories live. Discover now