PROLOGUE

2.7K 49 0
                                    

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ang buhok ko. Nakasuot ako ngayon ng isang puting damit na naka-tuck in sa pantalon ko.

Simple lang naman ako mag-ayos. Hindi halos naglalagay ng makeup kasi sayang naman, matutulog rin lang ako pagkatapos nito. Hindi na ako naglagay ng mga kwintas o ano pa diyan. Sa paaralan lang naman ako pupunta para mag-file ng form at papasa ng card. Wala naman akong crush kaya sino pa ang pinapagandahan ko diyan?

Ito lang ako, e. Hindi halatang maayos na babae. Kapag si mommy, palaging maayos, malakas ang dating at mahinhin, ako naman ay ang kabaliktaran. Si Hevrea lang 'to! Magulo palagi ang itsura dahil tulog, palaging tumatawa, gulo gulo pa ang buhok at bangs, at yung bunganga ay walang preno. Wala naman akong pakialam hangga't komportable ako sa ginagawa ko.

Kapag pag-usapan naman nating ang pag-aaral ko, Top 1 ako. Nakakagulat no? Yung palaging tulog sa klase ay top 1. Halatang binayaran. Pero hindi. Kahit ganito ako, hindi ako pabaya sa pag-aaral ko. Palagi man akong tulog pero disiplinado akong tao. Iyan lang siguro ang kaya kong ipagmalaki.

Pero kapag lovelife naman ang pag-uusapan, ekis ako diyan. Ano ba yan? Si Fanny lang naman ang hinahabol ko. Hindi na ako magugulat kung bakit walang mga lalaking lumalapit sa akin. Mukhang tropa ko na sila!

Nilapag ko ang suklay sa higaan bago kinuha ang specs ko at ang bag kong may laman ng lahat ng kailangan ko. Nagsuot ako ng gladiator sandals bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.

May kaya naman ang pamilya ko. Doktor ang mommy ko at piloto naman ang papa ko. Hiwalay na sila, bago pa man ako sinilang. I don't mind. Sinusuportahan pa rin naman ako ni papa at yun ang mahalaga.

"Papa!" Sigaw ko noong nakita ang lalaki na nakaupo kaharap si mommy sa sala. Agad akong tumakbo sa kanila kaya tumayo ang dalawa.

Niyakap ko si papa, "Kamusta ang summer break mo anak?"

"Okay naman po kahit nag-aaral pa rin." Sagot ko at tinignan si mommy. Tipid lang itong ngumiti sa akin. "Tara na, pa."

Summer break means taking a break from school works and studies. Pero sa akin, aral month pa rin. Balikat yung utak ko, e. Kapag summer break, ang utak ko ay palaging gumagana; pero pagdating ng school year palagi namang nakasara. Sanay na ako sa mga ganito! Noon pa man, pinapasok na ako ni mommy ko sa mga ganitong klaseng advance study sessions.

Tatalikod na sana kami ni papa pero narinig naming nagsalita si mommy. "Do you know what to take, Maurie?"

"Yes, mom. HUMMS, if that's what you want." Sagot ko at napabuntong hininga.

Utang na loob tulog lang alam ko! Bakit niya ba ako gusto maging abogado? Yan rin naman ang kinuha ng kuya ko. At tsaka hanggang trashtalk lang ako sa kanto!

Tinignan ko nalang si papa at ngumiti sa kanya. "Tara na po."

Sumakay na kaming dalawa ni papa sa kotse niya at nagtungo sa paaralan. Tahimik lang ako. Hindi ko naman gusto ang strand na HUMMS pero wala akong choice. Ito ang gusto ni mommy. Kahit gusto ko namang mag-STEM kasi lahat ng mga kaibigan ko ay naroon, ayaw ko pa rin. Olats na agad sa usapang science science na yan.

Hindi rin ako nakaplano nang mabuti at nawala rin sa utak ko na Senior High na ako. Puro kasi libro dito at ML doon! Dagdag mo rin ang pagiging sleeping beauty ko palagi. 

"Mau," Tawag ni papa kaya lumingon ako sa kanya. "Ako ang nagbabayad ng tuition mo, hindi si mommy mo. Kaya, pinapayagan kitang kuhain kung ano ang gusto mong abutin sa buhay hangga't maaari pa. Ayaw kong makitang nagsisisi ka sa mga desisyon mo."

"Okay lang yan, pa. Wala rin naman akong plano sa kukuhain kong strand." Sambit ko at nginitian si papa.

"Ano ba pangarap mo, anak?"

Treasure My Heart Where stories live. Discover now