CHAPTER 14

239 12 1
                                    

Pagdating ko sa paaralan, nakaayos na ang lahat. Palubog na rin ang araw at halos dilim na lang ang nakapaligid sa amin. Bukas ang lahat ng mga ilaw sa hallways at may mga lights na sa covered court.

Marami na akong nakasalubong na papunta na doon habang suot ang mga costumes nila. Maganda nga pero mas maganda pa rin ang gawa ko.

Pagdating ko sa building namin at pagkapasok sa dressing room, handa na ang lahat. Umuwi rin ang iba para magbihis habang ang mga dancers ay naiwan. Nakasuot na sila ng kanilang costume at mukhang masaya ito sa ginawa ko.

"Ang ganda talaga!"

"Kapag hindi pa tayo mananalo nito, ewan ko nalang!"

"Mananalo yan! Sa costume palang boto na sila!"

I smiled hearing all the great compliments. Nag-asikaso na rin ako sa iba pa nilang props. Tinulungan ko na rin si Andevean na nag-aayos rin.

Pagkatapos naming umayos, nagsilabasan na ang mga dancers sa classroom para pumunta sa covered court kung saan i-held ang contest.

Naiwan nalang ang ibang hindi kasali hanggang sa kami nalang ng mga barkada namin.

"Why do you look down?" Tanong niya habang inaayos ang buhok niya sa salamin. "May nangyari ba?"

Umiling lang ako na nakaupo ngayon sa isang upuan.

"Nagpaalam si Hailes kanina kay
Ma'am Clarisse na uuwi siya nang maaga kasi may aasikasuhin pa raw siya." Tumango ako habang nagsusulat ng ano-ano sa isang papel.

"Ngayon sila mag-uusap ni kuya," maikli kong sambit. Napanganga naman si Stella sa sinabi ko habang ang iba ay panay tukso.

Hindi alam nila Yael ang tungkol kay Hailes at Isa, at tanging si Stella lang ang may alam tungkol dito. Hindi ko naman pinagkalat kasi alam ko kung gaano ka snitch itong tatlo, lalo na si Andevean.

"Ay, bilis naman! Introduction to the family na agad.." Binatukan ni Stella si Yael noong narinig niya ang sinabi ng lalaki.

"Bakit ka nandito? Diba dapat kailangan nandoon yung babae?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Iane.

"Ibang babae kasi!" Sagot naman ni Stella bago hinila ako palabas ng kwarto.

Mas kumunot ang noo ko noong dinala niya ako sa isang eskinita hanggang dumating kami sa washing area. Madilim na at halos walang tao sa mga buildings dahil nasa covered court na ang lahat.

Ang awkward naman kung may makakita sa amin dito. Ang suspicious..

"So ano ang nangyari? Sino yung pinili?" She asked, arching both of her brows.

I didn't speak. I took a sit on the sink and looked down, crossing my arms around my chest.

"Ano? Wala?"

"Umalis kaagad ako.. Hindi ako nakinig.." I mumbled. "Kailangan ko pa bang makinig? Hindi naman ako kasali.."

"Kahit na!" My forehead creased to see her reaction.

"Chismosa mo talaga, ‘no?" I spat to her as she rolled her eyes before stumping her foot. "Malalaman rin natin yan..."

"Paano naman? Bakit ka kasi tiwala nang tiwala sa hypothesis mo kahit wala pa yung result ng experiment!" Inis niyang sabi.

Amp, mukha ba akong researcher?!

"Bakit tayo umabot sa research?!" Napakamot nalang siya ng ulo. "At pwede ba, tama na yung pilit?"

"Pwede ba, maghintay ka muna? Wala pa ngang desisyon," saad ni Stella.

"Ano ba yan! Hindi naman ako humihingi ng label, e! Kontento na ako sa mayroon kami ngayon. Kahit na... Pero ewan, kahit na!"

Treasure My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon