CHAPTER 07

200 11 0
                                    

Days passed so quickly. Isang buwan na ang nakalipas at palapit na ang exam namin. Tambak kaming lahat ng mga requirements pero hindi ito naging hadlang sa pagkikita namin palagi.

Kung hindi kami sa parke, nasa ilalim kami ng puno sa paaralan namin. Maingay buong magdamag pero kadalasan ay tahimik na nagbabasa o sumasagot ng mga assignments namin. Maraming tuksuhan pa ring ang nangyayari lalo na't pinagdesisyunan ni Andevean na magtapat kay Iane.

"Sige, yan lang ba talaga ang kailangang gawin?" Tumango si Andevean habang papasok kaming dalawa sa loob ng paaralan.

Friday na Friday pero marami pa rin akong ginagawa. Halos kasi kapag Friday ay wala na akong ginagawa para kapag gabi na, matik Mobile Legends na ako hanggang madaling araw.

Pero ngayon? Nagbubuhat ako ng mga boxes na kailangan sa project ng aming strand. May contest na mangyayari next week at lahat kami ay nagsigawan kasi extended ang lahat ng mga deadline that week.

Pero dahil marami talaga ang ginagawa namin at lahat ng mga section ay dapat nagtutulungan, wala kaming choice at tumulong nalang for attendance at extracurricular points.

"Why? Do you have any other suggestions?"

Umiling ako. Nag-uusap kami ngayon tungkol sa paparating na paligsahan at kami ni Andevean ang napiling maging designer ng mga costumes. Nakakairita kasi, nalaman lang nilang Architecture ang kukuhain kong course, ako na ang pina-drawing!

"Okay na yon. Nakuha ko na rin ang letter of consent ng Principal kaya pwede raw nating magamit ang auditorium." Naglakad kami papunta sa building namin.

Nakita kong halos lahat ay busy sa pag-gawa at umaga palang, lahat ng mga dancers ay sumasayaw na. Matik practice sila habang kami naman ay matik gawa ng kanilang mga costumes. Malungkot ako. Na-assign si Hailes sa ibang posisyon at hindi na kami halos nagkikita. Paborito kasi siya kaya ginawang Operator.

Dumating na rin kami sa kwarto namin at halos walang tao dito kasi abala ang lahat. Umupo kami ni Andi sa aming upuan ang nagsimulang ayusin ang mga props. Props nalang ang kulang sa amin kasi nagawa na ang costume at agad nila itong nagustuhan. Namangha rin ako sa sarili kong gawa kasi maganda talaga ito.

"So, ano ang plano?" Tanong ko habang tutok ang atensiyon sa props na ngayon kong ginugupitan. "Tomorrow morning tapos mag-evening kapag yes sagot niya, dadalhin mo siya sa evening gathering?"

"Hopefully she'll say yes.." Napabuntong hininga siya.

"Malamang! Ako nagsasabi sayo!"

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap at inaasar ko siya hanggang sa nagsimula na ang klase at marami tao na ang nasa loob. Sinimulan kong nang magligpit ng mga kalat at nilagay sa kahon bago sinipa ito sa ilalim ng upuan ko. Nakinig ako as usual. Mayroon rin kaming surprise quiz kaya lahat kami ay nagulat. Kaya pala surprise quiz ang tawag dahil pati ako nagulat sa naging score ko.

"Sus, naninibago ka pa rin diyan?"

Ngisi ni Stella. Umiling ako at tinago nalang ang papel ko sa loob ng bag pagkatapos kong makita ang score.

"Una na kami, may pupuntahan ka pa diba?"

Tumango ako sa kanila bago sila umalis ng kwarto.

Hindi ulit kami sasabay ni Hailes sa kanila ngayon tanghalian dahil pupuntahan namin si Ma'am Clarisse. Agad naman akong lumabas dahil nandoon na si Hailes, hindi man lang ako hinintay.

"Hi!" I beamed a smile when I saw Hailes in the office, infront of Ma'am Clarisse's desk.

As usual, he would only give me a short nod. I shrugged it off, contented to see that he acknowledged my presence after a long time of not bumping onto each other's businesses.

Treasure My Heart Where stories live. Discover now