CHAPTER 31

137 6 0
                                    

"Ugh, finally last day na!" Sigaw ni Stella habang naglalakad kami papunta sa loob ng campus.

Last day na ngayon ng Intramurals at ngayong hapon na rin ang laban for gold nila Hailes sa football. I was nervous for him. I really saw how he put most of his dedication in this sport compared to volleyball.

Meanwhile sa side ko, I lost tennis. I didn't get to I didn't reach the finals because I skipped most of my game for Hailes. Both of our schedule matched kaya iniwanan ko nalang yung akin. Ayaw ko naman, hindi na masaya humawak ng rocket.

"Ano'ng oras ang charity event niyo na 'yon? Diba bukas?" Tumango ako kay Stella. "Sama ako! Natatandaan ko pang palagi tayo pumupunta doon noong bata pa tayo."

"Oo, nakaka-miss nga. Baka nandoon pa ang mga kalaro natin dati." Ngumiti ako noong natandaan sila. "Kamusta na pala yun Raf na 'yon tapos si Gian. Ang last kong punta doon ay noong Grade 6 pa tayo."

"Oo, iniwan mo pa nga ako sa C.R. kasi atat na atat kang maglaro kila Raf." Tinawanan ko ang sabi niya. "Crush mo lang, e!"

"You weren't wrong with the latter. Naging crush ko nga siya! Gwapo at matangkad, e! Pero iba na ngayon 'no. Hindi ko na yun kilala. Who you siya ba?" Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko.

"Pero ikaw nga itong hinalikan si Gian tapos sinabi pang 'Kapag lumaki tayo, ikaw ang papakasalan ko', oh malaki ka na nasaan ang singsing?" Biro ko at tinaasan siya ng kilay. "Napaka bolera
mo talaga kahit bata ka palang. Kawawa ang bata, hindi alam na tinakaw na pala ang first kiss niya."

"Chaka mo naman! Bata palang tayo noon. At tsaka, accident happens!" Pagdedepensa niya at inirapan pa ako.

"Duda ako sa accident na yan... Sino ba naman ang Grade 3 na kung humalik parang kinakain na yung hinahalikan?!" Tinaasan ko siya ng kilay at matalas siyang tinignan."Natuto ka 'no?!"

"Kasalanan to ng mga magulang ko! Hindi man lang marunong sumara ng pinto kapag naghahali-"

"Tama na!" Angal ko at binilisan ang lakad. Tinakpan ko ang tainga ko noong narinig ang halakhak niya.

Hinabol ako ni Stella at nilapit ang kanyang ulo sa akin. "Pero sabi sa akin ng madre doon, may kumuha na raw sa dalawa. Hindi lang binanggit kung sino pero mayaman raw."

"Paano kaya kung nandito lang pala ang isa sa kanila? Tapos nadadaan na pala natin pero hindi lang natin namukhaan." Tinignan ko muna ang babae bago tumawa nang malakas.

"Paano mo nasabi? Sa lahat ng mga paaralan dito, sa tingin mo tatama ang landas natin sa kanila?"

"Calculate mo nga gamit ang Statistics and Probability. You want to study in the same school of Gian. In our city, there are a total of 9 Highschools. What is the probability of meeting the lad in the same highschool?"

"Tangina mo! 'Di ako humihingi ng sakit sa ulo, Mau!"

"Subukan mo lang!"

"Ba't ko naman susubukan kung wala namang magawa iyan sa'kin?!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang dali-dali lang naman?! Grade 8 pa itong lesson tapos hindi niya masagot?!

"Bahala ka nga diyan!" Ani ko nang dumating na kami sa soccer field.

Ngayong na ang kompetisyon nila Hailes. Palubog na ang araw at halos kulay kahel at may halong pink ang langit. Unti-unting dumadami ang mga taong umuupo sa upuan at halos maingay ang paligid. Hinanap namin ni Stella ang aming mga kaibigan. 

Ngunit hindi namin sila nakita sa dami ng tao sa loob. Kaya, umupo nalang kami sa upuang malapit sa kinaroroonan ni Hailes at ang kanyang mga kasama. Kumaway ako noong nagtagpo ang mata namin ng lalaki. Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa kanya.

Treasure My Heart Where stories live. Discover now