CHAPTER 36

150 4 0
                                    

We ended buying more things for ourselves. Parang tatlo lang ata ang binili namin para sa aso tapos yung lahat mga gamit na binili ni Stella. Grabe yung loob ng sasakyan. Full of paper bags talaga. Tapos ni isa hindi ko naman kailangan.

We stopped infront of Stella's house. She took everything she has before bidding goodbye. I sighed and look at the backseat. Ang dami pa ring mga paper bags. Pito pa ata tapos hindi pa kasama doon ang binili namin para kay Sky. Gastorera talaga.

"Babe.." I heard Hailes spoke so I look at him as his eyes are darted at the road. "Next week- uh no pala. Sa Wednesday na yung schedule ng charity event ng school.. Sa San Isidro Home for The Children i-held."

My eyes widened. San Isidro Home for The Children?

That's where I spent half of my childhood. That's where I first met the conyo boy named Raf. Sa lahat-lahat ng mga bata doon, siya lang ang nakaintindi sa akin. Hindi ko lang alam kung nasaan na siya ngayon. Baka nasa Amerika o ano. O baka nasa gilid gilid lang kasi nandito naman iyon nakatira.
Pero may nag-ampon na raw sa kanya. Kaya no reason para makita ko siya doon.

"Hmm... Is the place familiar to you?" I nodded with a smile. It was genuine. I couldn't help but to feel excited. It's been a while since I visited that place.

"Sa akin rin.. Familiar yung name," Hailes told, smiling. My eyes narrowed at his reaction which made him chuckle. He shook his head in amusement. "What?"

"Nothing.." I told before remaining silent.

Hailes parked the car infront of our house and helped me with the bags. We both went inside and was immediately welcomed by my brother. Kuya Jivian stood in front of the door with his hands on his chest while his eyebrow arched.

"Bati na kayo?"

"Halata naman diba?" I sneered before going inside. Galit pa rin ako sa ginawa niya kay Hailes. Nanuntok pa talaga yung kumag. Kung ganoon lang pala, sana sinuntok ko rin si Isaiah.

"Stop." I look back at the both and saw Kuya was blocking Hailes's way. He took the shopping bags from Hailes. "Ako na. Baka makita ka pa ni Mama."

"I want to apologize to her as well," sabi ni Hailes pero umiling agad si kuya.

"Sa susunod nalang. Tinatawag na niya si Hevrea." sagot ni Kuya kaya tumango nalang si Hailes.

Hailes glace at me. "I'll see you tomorrow.." He smiled.

"See you. Tawag," I replied and gestured a call sign.

Si Kuya naman, sinara agad yung pinto kaya kumunot noo ko. Inirapan ko nalang siya at pumunta sa taas. Sinundan naman ako ni Kuya na dala-dala ang mga shopping bags.

"Wow, may panahon ka pang mag-shopping," sarkastikong sinabi niya.

"Kasama namin kanina si Stella. Alam mo naman yon.." usal ko naman at binuksan ang pinto ng kwarto ko. "Diyan mo lang ilagay. Liligpitin ko nalang mamaya," dagdag ko habang tinuturo ang kama.

Nilagay naman doon ni kuya at hinintay ko siya sa pintuan. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ko at halos walang mga gamit doon. Yung closet ko ay bukas at walang mga damit na nakasampay sa loob. Yung study table wala ring mga libro at mga papel na nakakalat. Sa vanity table ko naman, walang mga nakalagay na kung ano-ano.

Nagtaka naman ako kung bakit. Maglilipat ba ako ng bahay? Sa pagkakaalam ko, damit lang naman ang ibibigay ko.

"Bakit walang mga gamit sa kwarto ko? Sino kumuha?" Nakakunot ang noo ko habang sinabi ito. "Binenta ba ni manang?"

Noong lumabas si kuya, inakbayan niya ako. "Basta.."

Hindi na ako nagtanong ulit kasi mukhang hindi naman sasabihin ni kuya. Pero yung mga libro ko!

Treasure My Heart Where stories live. Discover now