SPECIAL CHAPTER - FAMILY

812 31 1
                                    




NAPAKABILIS NGA naman ng panahon hindi mo aakalaing tatlong taon na pala ang lumipas magmula ng ikasal kami ng asawa ko. Ngunit dahil kinailangan nila kuya gustavo na tumira muna pansamantala sa Spain ay siya na rin muna ang namamahala sa lahat ng negosyong iniwan ni kuya dito sa Pilipinas at bukod pa riyan ang pagmamay ari naming kompanyang pinamamahalaan din niya ng maayos magpa sa hanggang ngayon. Alam ko kung gaano kabigat ang responsibilidad niya lalo pa ngayon kung kaya bilang asawa ay lagi naman akong handang magbigay supporta sa tuwing kailanganin niya ako



"ate sure ka bang hindi alam ng asawa ko na pupunta tayo ? " tanong ko pa muli kay ate rosa bago kami tuluyang bumaba ng sasakyan



Sinamahan niya ako ngayong pumunta sa MCDC para maghatid ng espesyal na lunch para sa asawa ko na ako din mismo ang naghanda para dito. At kasama pa namin ngayon ang aming kambal na napaka mga masunuring tahimik lang habang inaayos sila ni ate rosa para makababa na. Sa kanila ko mas nadadama kung gaano napakabilis tumakbo ng oras. Parang kahapon lang ay munti pa silang mga sanggol at ngayon ay tatlong taong gulang na din sila



"madame sure po .." sagot naman ni ate rosa habang maingat na inaayos ang mga batang mahimbing pa din natutulog. Habang ako naman ay nagdududa pa din siyang tiningnan



"hay naku.. knowing you sigurado kasing sinabi mo na sa asawa mong pupunta tayo dito,at baka mamya nabanggit na niya sa asawa ko na pupunta tayo.. " sagot ko pa uli na naiiling sa kanya


"madame naman ..sinabihan ko po si simon na wag sabihin promise !" agad namang aniya at nakataas pa ang kanang kamay na animo'y nanunumpa pang totoo talaga ang sinsabi niya


Natawa naman tuloy ako sa inasta niya kahit kailan talaga si ate rosa ay wala pa din pinagbago. Mabuti na lang at sanay na ako sa kanya. Sila na ni kuya Simon ang pinaka pinagkakatiwalaan naming tauhan at hindi lang basta tauhan ang turing namin sa kanila. Sila ay parte na ng aming pamilya kaya nga nakakatuwa na nagkatuluyan din ang dalawa at may dalawang taon na din silang kasal ngayon


"okay good ... gusto ko kasi talagang surpresahin ang asawa ko ngayon eh " naeexcite na ngayong ani ko


"ang sweet niyo naman talaga madame " ngiting ngiti namang komento pa ni ate rosa na tila kinikilg pa


Matapos mailagay ng maayos ang mga bata sa kaniya-kaniya nilang stroller ay tuluyan na kaming bumaba sa sasakyan. Bumuntot naman agad sa amin ang sangkatutak na bodyguards at tinulungan na si ate rosa sa mga bata. Simula ng makabalik kami ng manila kasama si Rea ay naging sobrang higpit na niya sa seguridad ng aming pamilya. Lahat halos ng tauhan ay dapat makapasa muna sa kanila ni kuya Simon bago matanggap


Pagpasok pa lang namin sa building ay panay bati agad ang mga empleyadong makasalubong namin. Sanay na silang makita kaming mag iina minsan o dalawang beses sa isang linggo na bumibisita ng ganito sa boss nila. Alam ko kasing sa sobrang abala ng mahal kong asawa ay wala na sa oras ang pagkain niya. At hindi sapat ang palagian pagpapadala ko ng mensahe para ito ipaalala kaya naman sinisiguro kong mabisita siya at madalhan ng pagkaing inihanda ko para makain siya ng maayos


Mabilis lang kaming nakarating sa top floor sakay ng elevator kung nasaan ang opisina ng asawa ko. At agad naman na sinalubong kami ng kanyang secretary


"madame hindi po kayo nagpasabing pupunta kayo nasa meeting pa po si sir " agad na ani Steve ang secretary ni reagan


"okay lang steve ..mag aantay na lang kami sa opisina niya " nakangiting sagot ko naman dito


REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Where stories live. Discover now