chapter 26

656 24 0
                                    




SAMANTALA SA isang tago at liblib na isla may isang matandang mangingisda ang maagang nag aayos na ng kanyang bangka upang maaga din makapangisda. Madaling araw pa lamang kung kaya madilim pa ang baybayin. Sinisiguro ng matanda na nasa maayos na kondisyon ang bangka niya bago pumalaot at habang nasa kalagitnaan siya ng pag aayos ng gagamitin niyang lambat ay napatingin lamang siya sa kabilang ibayo ng tila may mapansin at mahagip ang kanyang mga mata. Dahil sa madilim pa ang paligid ay Hindi siya makasiguro kung tao nga ba talaga ang nakikita niyang nakahiga sa dalampasigan at nahahampas pa ng alon mula sa dagat


At para makasiguro gamit ang kanyang lampara ay unti-unti siyang lumapit upang makita at kilalanin ito dahil baka kapwa niya din itong naninirahan sa sitio. Kahit pa takot din ang matanda dahil parang hindi man lang kumikilos ang taong nakahiga sa buhanginan ay tumuloy pa din siya. Ngunit laking gulat niya ng malapitan niya ito at masinangan ng lamapara ay napag alaman niyang hindi niya ito kilala at isa itong estranghero. Agad siyang nakaramdam ng awa sa itsura ng lalaki dahil may mga sugat ito at punit punit pa ang suot nitong damit. Kaya naman agad na niya itong  tiningnan kung humihinga pa ang lalaki at ng malamang may pulso pa ito ay agad niyang sinubukang iangat ito. Ngunit sa laki nito ay hindi niya ito nakaya kaya naman nagdesisyon siyang umuwi sa bahay nila upang tawagin ang kanyang asawa


"kawawa naman ang binatang ito.. ano kaya ang nangyari sa kanya dencio ?" tanong ng asawa ni mang dencio na si aling josefina habang pinagmamasdan ang binatang napulot nila sa dalamapasigan


"aba'y malay ko josefina ako pa ang tinanong mo eh nakita ko lang naman siya dun sa dalampasigan " pagsusungit naman ng matandang lalaki sa asawa


Hindi na siya natuloy umalis dahil sa tinulungan nilang lalaki sa halip ay tumulong na lang siya sa asawa niya na magamot ang mga sugat nito


"ikaw talaga ayusin mo yang mga pagsagot sagot mo sa akin ha! baka mapokpok kita nitong palanggana ko eh" nagsusungit na din tuloy na sabi ng matandang babae


Tapos ng nalinisan ng matandang babae ang binata at linapatan na din niya ng mga halamang gamot ang mga sugat nito. At habang patuloy sila sa pagbabangayan ay natigil lamang sila ng  makarinig sila na parang  may nagtatawag sa labas lang ng kanilang munting tahanan. Sumilip agad si nanay Josefina sa bintana at nakitang si mirasol pala iyon anak ng kapitan ng kanilang sitio. Ano naman kaya ang ginagawa nito sa kanila ng ganito kaaga pag iisip pa ng matanda bago ito labasin upang kanyang maharap



"Magandang umaga po nanay josefina.. pasensiya na po sa abala ..eh maaga lang po akong pinapunta ni tatay para sabihan kayong magpapahilot siya mamaya " magalang namang agad na sabi ni marisol ng siya'y lumabas


"Aba'y magandang umaga din naman ..nasabihan niya nga ako kahapon aba'y kay aga mo naman kakasikat pa lamang ng araw ah, nanakit na naman siguro ang tuhod ng tatay mo ano? " nakangiting sagot naman niya sa dalaga


Agad namang ngumiti at tumango ang dalaga sa sinabi ng matanda. Sa kanilang tago at liblib na sitio ay kilala si aling josefina bilang isang hilot o manggagamot. Sa layo nila sa bayan ay madalas siya na ang takbuhan ng mga kalugar nilang kapos palad at walang pangpagamot sa ospital

REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon