chapter 16

838 41 0
                                    

JESSICA





PAGKATAPOS ng nangyaring proposal ay nagdesisyon kaming mag almusal muna bago umuwi sa bahay at maibahagi sa kanila ang magandang balita. Siya ang nagluto dahil na rin sa kagustuhan niya habang ako naman ay nag ayos muna sa aking sarili. Kahit pa hirap  akong pumunta sa banyo dahil sa pananakit ng aking maselang bahagi. Sh*t dapat talaga nagpatulong na ako sa kaniya kanina eh pero dahil nahihiya pa rin ako sa kanya kahit may nangyari na sa amin ay Hindi ko ginawa


Maaaring naging napakabilis nga ng lahat maging ako ay hindi ko akalain maibibigay ko sa kanya ang aking sarili ng ganun. Ngunit wala naman akong makapang pagsisisi sa aking sarili. At kahit nahihirapan pa nung una ay nakapasok naman ako ng maayos sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis at isinuot ang T-shirt at boxer shorts ni Rea ng matapos


Laking tulong sa akin ang ginawa kung pagligo dahil kahit papano ay naibsan na ang pananakit ng aking katawan. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina at doon na siya naabotang nag aayos na ng mesa 



"hi baby..Wow! my shirt looks pretty good on you.. Come breakfast is ready.. " papuri niya at pag aaya niya ng makita ako at pinaghila na din ako ng mauupuan



Nakangiti ko lamang siyang pinagmamasdan habang ngiting ngiti din siyang inaasikaso ako. Kaya parang wala sa sarili ko namang naisip ko ang magiging future namin. Magiging ganito kami araw-araw mag kasama pero syempre ako na ang mag aasikaso sa kanya. Mas magiging masaya pa dahil bubuo kami ng sariling naming pamilya. Napakasarap at napakasayang isipin ng lahat ng iyon. Siya na talaga ang makakasama ko hanggang sa pagtanda


"baby .. "pagtawag niya sa akin kaya agad akong natauhan at agad napabaling sa kanya.. Daydreaming again Jess ani ko sa aking sarili



"let's eat na kailangan mong kumain para mabalik ang lakas mo " pilyong aniya pa at tila ibig ipaalala sa akin ang mga nangyari kagabi


"babe.. " saway ko naman agad sa kanya dahil muli talagang nagbalik sa alaala ko ang lahat..hay .. ano ba yan naiiling ako sa aking sarili



"baby you're blushing why? " pagtutukso niya pa sa akin na parang alam na niya kung ano ang naisip ko 


Napahawak naman ako agad sa aking pisngi gosh! Dams kung nag iinit nga ang pisngi ko .. Shocks! I'm so guilty


"N-No! hindi kaya.. ano ba babe kumain kana nga pairap ko namang sabi sa kanya kasalanan niya siya kasi nagpapaalala eh


"fine .. " natatawang sabi lang niya at hindi pa rin matanggal ang ngiti sa kanyang labi 


Nang matapos kami ay agad kaming nagbihis at naghanda na. Binili ako ni Rea ng maayos na maisusuot ko na inutos niya  pala sa kanyang sekretarya habang naliligo ako kanina. At matapos ang lahat ng preparasyon ay agad na kaming lumisan. Pansin na pansin kay reagan ang pagiging mas malambing niya lalo ngayon. Siguro nga ay dahil ibang level na din ang relasyon namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na inalok na niya ako ng kasal at pumayag naman ako


Halos hindi niya bitawan ang kamay ko habang nagmamaneho siya ng sasakyan. Kaya hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi mapangiti dahil sa mga ginagawa niya



REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Where stories live. Discover now