chapter 5

951 39 1
                                    

JESSICA





NANG makalagpas sa amin ang mga bisita ay bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho. At ito na ako tulala ngayon sa aking opisina . Kaya ba hindi na siya nagpakita dahil nakahanap agad siya ng bago. O baka naman talagang hindi siya seryoso sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam pero kung ano-ano lalo ang tumatakbo sa aking isip


Nang nakita ko siya kaninang nakangiti habang kausap ang babaeng kasama niya ay parang may kumirot sa dibdib ko nasasaktan ba ako ? pero bakit ?


Naputol ang pag iisip ko ng pumasok muli si molly at may pinapirmahang papers. Paglabas niya ay tumunog naman ang phone ko at inaaya ako ni lovely maglunch sa restaurant dito sa hotel. Kaya napatingin ako sa wristwatch ko at nakitang lunch break na din pala kaya tumayo na ako para pumunta dun


Pagpasok sa restaurant ay nakita ko agad si lovely. At medyo nagulat ako na may kasama siya sa mesa. Walang iba kundi sila kuya gustavo,steffan at si reagan na kasama pa rin yung babae kanina


Hindi man kumportable ay tumuloy pa rin ako. Pilit kumalma ay bumeso ako kay lovely na tumayo sa kaniyang upuan ipang salubungin ako. Nagkunwari akong wala lang sa akin ang mga makakasama namin sa mesa at gusto kong palakpakan ang sarili sa galing kung umarte na umastang di ako apektado at kabado


"ate nakita nila ako kanina habang nag aantay,kakain din daw sila at nagtanong kung pwedeng sumabay sa atin " mahinang bulong ni lovely sa akin


Di na ako sumagot sa sinabi niya dahil wala naman na talaga kaming choice kundi pakiharapan sila


"we didn't know na dito pala kayo nagtatrabaho,is it okay if we join you girls for lunch ? " pormal na tanong ni kuya gustavo at may maliit na ngiti sa labi as if his trying to be friendly


Ngayon ko lang siya mas natitigan ng matagal. And honestly i can't help but to also admire his undeniable handsomeness napakagwapo din pala talaga niya.  Parehas sila ni Reagan na berde ang kulay ng mga mata. Sadyang lagi lamang  itong seryoso at pormal na pormal kaya iisipin mo talagang suplado pero kung ako ang tatanungin ay nakadadagdag lamang ito sa kanyang kagwapuhan



Natigil ang pagtitig ko sa kaharap ng eksaheradong umubo si reagan na animo'y nabubulunan kaya napatingin ako sa gawi niya. Binigyan siya ng tubig ng katabi niyang babae at hinagod pa ang likod nito . Dahil doon kaya nag iwas na ko agad ng tingin at binalik ang atensyon kay kuya gustavo



"sure sir it's our pleasure to dine with you Mr.Monroe " pormal kong saad at ngumiti ng matamis sa kanya


Kumportable at magaan agad ang loob ko sa kanya kaya wala naman sigurong masama na maging palakaibigan sa kanya



"you don't have to be so formal jess.. as if we don't know each other " sabi niya naman bago kami pinaghila ni lovely ng upuan dahil kanina pa pala kami nakatayo. Nahihiyang nagpasalamat naman ako at ganun din si lovely na tila kinikilig pa sa pagiging gentlemen ni kuya Gustavo



We eat in silence . Ang totoo kami lang ni lovely ang tahimik kung minsan nag uusap silang tatlo tungkol sa negosyo at yung babae namang kasama nila ay panay ang bigay ng pagkain kay reagan. Naiinis ako sa sarili ko dahil mayroon sa loob ko na hindi nagugustuhan ang nakikita kaya lalo lamang akong yumuko at nagfucos na lamang sa pagkain. Akala magiging mahirap iyon pero hindi naman pala

REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt