chapter 8

960 34 1
                                    

JESSICA



TANGHALI na ako nagising kinabukasan mabuti na lang walang pasok. Wala akong hang over dahil konti lang naman ang ininom ko kagabi at pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni reagan ay halos hindi na kami mapaghiwalay


Unang beses din naming magholding hands kagabi. Hindi ko alam kong bugso lang ba ng damdamin ang naramdaman namin kagabi pero matapos kung marinig ang mga sinabi niya ay napagtanto ko kung gaano ko din kagusto si reagan



Oo alam kong mali ito dahil kami parin ni albert pero iba na talaga ang nararamdaman ko para sa lalaki. Alam kong nakapasok na siya sa puso ko


At buo na rin ang loob ko na gawin ang tama at iyon ay ang hiwalayan na si albert . Alam kong masasaktan ko lang siya kung papatagalin ko pa ang aming relasyon. Mahabang panahon din ang pinagsamahan namin at ayokong maghiwalay kami na hindi kami maayos dahil nag umpisa naman talaga kami nung una bilang magkaibigan. Gusto kong tapusin muna ang sa amin bago kami magsimula ni reagan


Hindi man kami nag usap ni reagan kung ano na ba kami pagkatapos kagabi. Ngunit ng hinatid niya ako dito sa bahay ay alam kong kahit walang salita ang namagitan sa amin ay malinaw sa amin pareho na mayroon na kaming pagkakaintindihan . Bago pa siya umalis ay muli niya akong hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit na ginantihan ko din naman


Pagkatapos kong alalahanin ang masasayang nangyari kagabi ay nag aayos na ako para bumaba. Nasa sala ang mga bata naglalaro ng lego kaya binati ko muna sila bago ako dumiretso sa kusina dahil alam kung naroon panigurado ang mga tao



"good morning! " masiglang bati ko sa kanila. Naroon nga si ate jem at manang pati na din sila ate delia at ate  shirley mga kasama namin sa bahay


"ay kabayo ! susmaryusep kang bata ka aba'y nakakagulat ka naman " si manang na nakahawak pa sa dibdib niya


Parang sobra nga yata ang energy ko dun na nagulat ko talaga si manang natawa tuloy ako


"ang good naman talaga ng morning mo ..dahil ba yan kagabi ? " nakangiti namang tanong ni ate sa akin


Nagkibit balikat lamang ako pero nagulat naman ako ng may iabot siyang bouquet ng red roses na hindi ko alam kung saan niya kinuha

"mas magiging good pa ang morning mo pag nalaman mo kung kanino yan galing " aniya na may nanunudyong ngiti sa labi. Mukhang hindi ko na pala kailangang pang tanungin dahil may hula na ko kung kanino ito galing

Ngiting ngiti ako habang inaamoy amoy ang mga magandang bulaklak ng magsalita muli si ate


"masaya ko para sayo " nagulat ako ng sabihin niya iyon

Alam kong hindi siya bulag kaya alam niya ang ibig sabihin ng lahat ng ito. At marahil dahil na din nakita niya kami kagabi. Pero hindi ito ang inaasahan kung sasabihin niya dahil alam naman ng lahat na hindi pa kami hiwalay ni albert


Sa huli ay naintindihan ko din kung bakit ito ang nasabi niya dahil sa muling pagsasalita niya ay nasagot agad ang pagtataka ko

REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat