chapter 21

670 31 0
                                    

JESSICA



NAGISING ako sa isang napakadilim na lugar na halos wala na akong makita. Hindi ko sigurado kung nasaan na ba ako at wala akong ibang nadarama ng mga sandaling iyon kundi mantinding takot. At mas kumabog pa ang dibdib ko ng biglang may kumalabog tunog ng isang bakal na pinto kaya agad Kong  naisip na nasa isang kwarto lamang pala ako. Nagsumiksik ako sa puwesto ko sa takot habang naririnig ko ang unti-unting  pag bukas ng pintuan kung saan ako Naroon


Nasilaw ako sa liwanag nang bumukas ang pinto kung kayat hindi pa ako agad nakapagmulat ngunit alam ko na may pumasok na sa loob. Nang unti -unti ng masanay muli ang mata ko sa liwanag ay saka ko pa lang dahang dahan binuksan iyon at ang agad tumambad sa akin ay ang anyo ng isang lalaking malaki ang pangangatawan maraming tattoo at mukhang banyaga. Nagbigay kilabot sa akin ang titig niya kasabay ng pagngisi nito sa akin may mga kasama pa siyang mga armadong kalalakihan sa likod lamang niya


" Gising ka na pala.. Welcome to my dungeon.. " sabi ng lalaki na medyo ikinagulat ko pang nagtatagalog pala ito


Sa dami nila ay nasisiguro ko pa din na ang lalaking nasa harap ko ang lider nila. Hindi ko siya kilala ano bang atraso ko sa kanila ? Sino ba sila? 


"s-sino k-ka?! anong kailangan mo s-sa akin ? " kahit na takot na takot ay naglakas loob akong kinumpronta siya


At kahit wala ng aatrasan ay panay pa din ang atras ko ng mas lumapit ang lalaki sa akin saka hinawakan ako sa baba upang maiharap sa kanya ng maayos


" Your pretty hmm? But my Jem is more beautiful than all of you." nakangising ani ng lalaki saka walang ganang binitiwan ako


Sa narinig ko ay mas kinabahan ako si Ate ?! Sila din ba ang kumuha Kay ate? Kalaban ba sila nila Reagan?



" S-Si a-ate?nandito ba siya ? kayo din ang kumuha sa kanya?! mga walang hiya kayo pakawalan niyo kami ! " pagalit na sigaw ko at sinubukan pang sugurin ang lalaki pero malakas niya lang akong itinulak pabalik sa puwesto ko sabay tawa ng makita ang kalagayan ko


" I'm sorry to inform you but your not gonna get out of here alive.. And me and my future wife will leave you here lifeless. Ikaw ang kabayaran sa lahat ng atraso ng mga Monroe sa amin " nakangising aniya na lubos kong ikinatakot


 Anong ibig niyang sabihin hindi maaari ito.. paano na ang baby ko?



"parang awa niyo na pakawalan niyo na kami " pagmamakaawa ko na ngunit hindi man lang natinag ang lalaki sa pagmamakaawa ko at tila natutuwa pa ito sa nakikita niyang pag iyak ko na ngayon



" Don't worry Jess your not gonna be alone.. I have a surprised for you.. You wanna know who helped us get you here?..' balewalang aniya bago sumenyas sa mga tauhan niya ng kung ano



At ilang sandali lamang ay nagulat na lang ako ng biglang ipasok sa kwarto ang bugbog saradong si albert at si kuya martin pa ang may hawak sa kanya. Anong ibig sabihin nito trinaydor niya talaga kami?

REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon