chapter 23

662 33 1
                                    

JESSICA




"I DECIDED to stay here for the mean time.. you know? para may kasama ka hanggang sa manganak kana " nakangiting ani ate bago sumimsim ng kanyang tsaa


Kasalukuyan kaming nag uusap dito verandah ng kwarto ko siya'y nagtsatsaa at ako naman ay umiinom ng gatas. Tapos na kaming magsalo lahat sa hapunan at ito na nga si ate at sinamahan pa akong umayat dito. Nagmamadali pa nga siya kanina dahil dapat daw ay maaga akong nagpapahinga masama daw sa akin ang magpuyat at alam ko naman yun pero OA lang na katatapos pa lang kumain ay pinapatulog na niya ako. Kaya alam ko na agad na ginagamit niya lang akong dahilan para makaiwas



"hmm ..hindi ba parang sobrang maaga naman ata iyon ate? paano na ang foundation? ang mga bata? tsaka march pa yun ate ang layo pa talaga.." pagpapaliwanag ko naman sa kanya


Alam ko na nag aalala lang siya sa akin at kung ako naman talaga ang tatanungin ay okay lang sa akin na dumito muna siya. Dahil gustong gusto ko din siyang kasama pero ayoko naman sobrang makaabala sa kanya at sa mga bagay na ginagawa niya


"Okay lang naman yun .. The foundation will survive without me at saka para may kasama ka lang hanggang sa manganak ka..at si mae-mae at sammy naman kasama ni mama at papa pwede pa nila tayong puntahan dito..sa pangasinan lang naman sila at isa pa December na din naman.." nakangiting pagsisigurado pa niya sa akin


Oo nga pala magpapasko na din kay bilis nga naman talaga ng panahon. Kaya heto't nakadama na naman ako ng lungkot sapagkat bukod sa hindi pa mahanap si Rea ay hindi na rin kami kumpleto bilang isang pamilya. Wala si bunso kaya hindi na kami kumpleto at isa pa ito sana ang unang paskong dapat ay kasama ko si reagan nakapanghihinayang at hindi na ata talaga matutupad ang ilan naming mga plano noon


Pero sa kabila ng malungkot ko na namang pag iisip ay biglang lumapit sa akin si ate at yumakap mula sa balikat ko. She knows what I'm thinking so she hugged me to make me feel better. And then she make me realized that I shouldn't always be sad because despite all the problems we are facing there are still many reasons to be happy


"Ate thank you talaga.. alam ko marami ka din pinagdadaanan na hindi mo pa masabi at okay lang naman sa akin yun.. naiintindihan ko na hindi ka pa handang magkwento. Pero sobra talaga akong nagpapasalamat dahil di mo kami pinababayaan ng baby ko.. " lubos na pagpapasalamat ko sa kanya dahil palagi na lamang niyang pinapagaan at pinapalakas ang loob ko


Mas humigpit naman ang yakap niya sa akin matapos marinig ang sinabi ko. Nararamdaman ko din naman talaga ang bigat ng kalooban niya pero kahit ganun ay mas pinipili pa rin niya palaging mas magpakatatag dahil alam niyang siya lang ang kinakapitan ko. Simula ng makalabas ako ng ospital ay lagi siyang nakaalalay sa akin sila ni ate alexa kaya lamang ay naging busy si ate Alexa sa nalalapit na niyang kasal kaya hindi muna kami madalas magkita- kitang tatlo


"jess pamangkin ko yan at kapatid kita mahal ko kayo kaya lagi lang akong nandito.. " seryosong ani pa ate habang nakayakap pa din sa akin naramdaman ko pa nga na humalik siya sa aking ulo


Matapos malungkot sandali ay nagpasya kaming pag usapan na lamang ang ilang mga planong napag usapan na nila ni ate alexa bago siya pumunta dito. Ang kasal ay gaganapin na nitong susunod na buwan January. Pareho kaming walang pagsidlan ang tuwa at kasiyahan para sa aming ate ngunit nalungkot muli ako dahil maging sa kasal ni ate ay baka wala din si bunso. Pangarap namin noon na dapat ay kumpleto kaming apat sa kasal ng bawat isa at hindi din pala iyon matutupad. Wala na kaming balita kay lovely maging sa akin ay hindi na siya nagparamdam at kung ako ang tatanungin ay nagtatampo na ako sa kanya. Alam ko na ang dahilan ng pag alis niya isa lamang maling akala.. isang hindi pagkakaintindihan na maaari naman sanang maresolba ng maayos na pag uusap. Kaya nga ipinagtataka ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik para sana magkaayos na ang lahat. Nang tanungin ko naman si ate jem patungkol sa kanya ay wala siyang naging sagot sa halip ay ngumiti lamang ito..  isang malungkot na ngiti

REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum