JESSICA
UMIIYAK ako ngayon dahil sa labis na kasiyahan. Napakaganda at parang nagniningning ngayon si ate alexa suot ang kanyang damit pang kasal. Kaya hindi kataka-taka kung bakit lahat ng bisita ay tila manghang mahanga ding nakatingin sa kanya habang naglalakad siya papunta sa altar. Kung saan naman naghihintay ang prince charming niya na ngayon ay emosyonal na din pinagmamasdan siya habang dahan-dahan naglalakad
Isa itong hindi malilimutang kaganapan maraming sikat at malalaking taong bisita ang dumalo.Kinover din ito ng mga taga-media dahil talaga namang parehong sikat at kilala ang dalawa sa showbiz at business world. Generally everyone was very happy for the both of them. Ngunit sa gitna ng kasiyahan at habang masaya kong pinanunuod si ate na naglalakad malapit na sa altar ay hindi ko napigilan ang sarili kong isipin na ganito din kaya kami ni reagan kung natuloy ang kasal? Napahaplos na lamang ako sa may kalakihan ko ng tiyan dahil sa malungkot ko na namang pag iisip. Iniling ko na lamang ang aking muling panghihinayang wala dapat sa isip ko ngayon ang malungkot para sa sarili araw ito ni ate at dapat ay masaya lamang kami
Nang sandaling magkahawak kamay na si ate alexa at kuya Enrique ay napatingala na lamang ako sa imahen ng ating panginoon na nasa sento ng altar. Salamat po panginoon at tuluyan ng nakamit ng isa sa mga kapatid ko ang kaligayahang nararapat para sa kanya pagdadasal na pasasalamat ko sa poong maykapal. Saka muling piping hiniling din na nawa'y ibalik at ipagkaloob muli niya sa akin ang taong sanhi at siya lamang kaligayahan ko
Kahit pa nakakatawa na lamang na kung minsan ay iniisip ko na baka nakukulitan na siya sa araw araw at paulit-ulit kong pananalangin
"jess okay ka lang ba ? " nag aalalang tanong ni ate jem sa akin kaya ako na tauhan sabay abot pa niya sa akin ng panyo
Natulala na pala ako ng matagal habang patuloy ang pag agos ng aking mga luha
"a-ah oo ate sobrang saya ko lang para kay ate alexa " sagot ko naman at ngumiti pa sa kanya kahit may luha pa rin sa aking mga mata
Maging siya ay umiiyak din dahil sa labis na kasiyahan pero mas piniling niyang punasan ang luha ko dahil alam niyang magkahalong tuwa at lungkot ang luha ko kahit na hindi ko aminin mismo sa aking sarili
" Ako din sobrang masaya para sa kanila ang ganda ganda ni ate oh.. " naluluha pang aniya at saka tumingin sa harapan
Tinitigan ko si ate habang nakatingin siya sa altar nag umpisa na ang misa at magkatabi na si ate Alexa at kuya Enrique pareho silang hindi maitago ang tuwa sa nagaganap nilang kasal. At sa likod naman ng ngiti ni ate jem ay may nagkukubli din lungkot sa kanyang magandang mga mata. Doon ay naisip kong parehas kaming may paghihinayang dahil hindi natuloy ang kasal naming dalawa at hindi gaya ko na naghihintay lamang. Sila nama'y naghiwalay ng tuluyan ni kuya gustavo at mas ikinalulungkot ko talaga iyon para kay ate. Napatingin si ate sa akin dahil marahil naramdam niya ang pagtitig ko kaya naman ngumiti siya sa akin na parang wala lang. At para pagtakpan naman ang nadarama kung lungkot para sa aming dalawa ay ngumiti din ako pabalik sa kanya. Matapos iyon ay binalik na muli namin ang atensyon naming dalawa sa seremonya ng kasal
KITANG-KITA ko ang tunay na kasiyahan kay ate alexa matapos ang seremonya ng kasal at dumating na sa reception. Ginanap din ito mismo sa Aurelia Palace hindi din niya napigilang maging emosyonal ng magbigay ng mensahe ang mga malalapit niyang kaibigan at pamilya kabilang kami ni ate jem. Umiyak siya ng todo at sinugod pa kami ng yakap ni ate ng kami na ang nagbigay ng mensahe ng kagalakan para sa kanya. She gave us a tight embraced and thank the both of us for being here and she also said how much she loves us both at alam kong kahit hindi sabihin ni ate ay namimiss din niya si bunso dahil siya lang ang wala. Lahat naman kami ay may nawalang piraso ng aming mga puso sa pag alis niya
YOU ARE READING
REAGAN MBS #1[COMPLETED]
Romance"two SOULS don't find each other by ACCIDENT " JESSICA AMBROCIO a hotel manager happy and satisfied with life...for her she's living a perfect life like others only dream of.. but what will be a change when a man named REAGAN GALLANIS MONROE suddenl...