chapter 29

645 29 1
                                    

REAGAN



SERYOSO ang lahat habang nakikinig kami sa utos ni kuya Gustavo ito ang pangatlong araw namin sa paghahanap kay ate jem mula ng madukot siya sa gabi ng aming engagement party. Nandito kaming lahat at nagpupulong sa aming HQ may mga inimbitahan na rin siyang kaalyado naming grupo upang makatulong sa paghahanap. Ngunit nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto ng conference room ng walang pasabi. Nagtaka kami dahil bawal na bawal ito lalo na kung napupulong kami pero mas ikinagulat ko ng makita kong Simon iyon. Humahangos itong agad na lumapit akin walang inaksayang panahon at wala ng pakialam sa mga taong naroon. At agad naman akong nakadama ng labis na pag aalala para sa aking mag ina ng makitang may dugo ito sa noo



"boss pasensiya na po pero.. trinaydor po tayo ni martin nakuha po nila si madame jess kasama po niya ang mga tauhan ni Valentino " nakayukong agaran pagsasaad niya sa nangyari kung kaya siya napasugod dito


"what!!? no! " gulat na ani ko at napatayo pa sa aking kinauupuan


"boss ang sabi po kasi ni martin ay napasok kami pupuntahan ko po sana si madame pero pinukpok niya po ako ng baril kaya nawalan ako ng malay.. nang magising ako wala na po sila chineck ko pa ang cctv at sigurado nga po akong kasabwat nila si martin " dagdag pang pagpapaliwanag niya


"t*ng ina ! " galit na sabi ko at hindi na napigil ang sa sarili at hinampas pa ang mesa


"reagan ! " saway naman agad ni kuya


"what kuya !? hindi mo ba narinig pati si jess nakuha na nila.. ang mag ina ko kuya! " puno ng galit na sabi ko hindi pwedeng may mangyaring masama sa mag ina ko iyon lamang nasa isip ko


"narinig ko at walang magagawa ang galit mo ngayon. wala pa tayong lead kung nasaan sila .. alam kong nag aalala ka,ganun din ako pero wala pa tayong magagawa " madiin at maawtoridad na aniya


Kung sa ibang pagkakataon siguro ay maaring makinig ako sa kanya ngunit dahil buhay ng mag ina ko ang nakataya ay wala akong gustong aksayahing oras. Napahilamos ako sa sarili kong palad at galit na umalis sa conference room. Agad namang sumunod sa akin si simon hindi ako pwedeng manatili dun at maghintay na lamang kailangan kong kumilos


"simon pakilosin mo ang mga tauhan natin para maghanap gawin mo lahat para makahanap ng lead kung saan nila dinala si jess..kung kailangan icheck lahat ng CCTV sa mga pwede nilang dinaanan gawin mo kailangan ko ng update agad agad " utos ko kay simon at agad naman itong sumunod at umalis


Hindi ako mapakali kaya dumiretso ako sa bar ng HQ kailangan ko ng alak para kumalma at mag isip. Hindi ko akalaing mangyayari ito.  At mas lalong hindi ko yata kakayanin pag may nangyaring hindi maganda kay jess. Nasa malalim akong pag iisip ng biglang tumabi sa akin si steffan kumuha din ito ng alak at uminom muna ito bago magsalita


"bro wag kang mag alala mahahanap agad natin sila " subok niyang pagpapalakas ng loob ko


Pagak akong natawa sa kanya kung dati ay gumagaan ang loob ko pag dinadamayan ako ni steffan ngayon ay hindi ata iyon oobra

REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon