chapter 25

685 31 0
                                    

JESSICA




EMOSYONAL ko nang pinamamasdan ang mga anak ko ngayon mula sa glass wall ng NICU dito sa ospital habang nakaincubator na sila. Nang dumating si kuya simon dala ang doktor ay nasaayos na kami ni ate kung kaya agaran na nila kaming sinugod dito sa ospital. Upang mas maobserbahan maigi ang kambal lalo na't kulang sila sa buwan. Ipinagpapasalamat ko din na healthy sila kaya wala ganuong problema. Isa ng napakalaking milagro ng diyos na nailuwal ko sila ng maayos at ginamit nitong instrumento si ate


"may pangalan na ba sila?"  nakangiting tanong kalaunan sa akin ni ate


Siya ang nagtulak ng wheelchair ko papunta dito dahil hindi ko pa kayang maglakad ng maayos. Nanghihina pa ang tuhod ko dahil sa panganganak. Hindi ko malilimutan ang itsura ni ate kanina ng sa wakas ay magising ako. Tuwang tuwa siya at hindi pa napigil ang sariling sinugod ako ng yakap. Sinabi pa niyang napakatatag ko at nailuwal ko ang kambal ng normal delivery na magpa sa hanggang ngayon maging ako ay hindi din iyon mapaniwalaan


"I'll name my little prince Reagan Matthew.. RM for short ..a combination of his father and grandfather's name.. " masayang ani ko habang nakatuon ang mga mata kay RM


Napag usapan na namin iyon ni Rea noon na kung sakaling lalaki ang anak namin ay ipapangalan ko sa kanya at sa nayapa niyang ama. Kaya ito na ang ginagawa ko


"It's beautiful jess.. How about our little princess? " tanong pa muli niya



"Well .. I already think a beautiful name that matches and deserve only for her.. Natalia Mireya.. In Spanish Natalia means gift from god and Mireya means miracle.. sila ang biyaya at milagro ng buhay ko " maluhaluha kong sabi habang nakatingin pa rin sa dalawa


Kanina narealize kong maling mali ang pasuko dahil lamang hindi ko pa rin nakikita si Reagan. Nakasama sa akin ang sobrang stressed kaya napaaga ang panganganak ko. Milagro ng diyos kaya nailuwal ko ng maayos ang mga anak ko. Ganito pala ang pakiramdam ang sarap sa pakiramdam na sabihin ang salitang "mga anak ko" sila ang panibagong pag asang binigay sa akin ng diyos para hindi ko na tuluyang maisip sumuko. Hindi pa rin ako makapaniwalang binigyan niya ako ng dalawang anghel na magbibigay liwanag sa buhay kong nagdilim dahil sa pagkawala ni reagan. Kaya ngayon ay mas may rason na ako para magpakatatag dahil dalawa pa silang umaasa sa akin


"I'm so happy for you jess naniniwala akong magiging mabuti kang ina.. " ani ate at pinatong ang dalawang kamay sa balikat ko


"salamat talaga ate.. utang ko sayo ang buhay namin ng mga anak ko .. " nakangiting pasasalamat ko muli habang tiningala siya


Walang hanggan ang pasasalamat ko sa kanya. Napakabuti ng diyos at napakaswerte ko dahil may mga taong nagmamahal sa amin ng mga anak ko kagaya niya


"Ano ka ba ?..wag mong sabihin yan..para sa akin,sa puso ko mga anak ko din sila.. Tunay nga na kapag may nawala ay may darating namang kapalit at dalawang anghel pa " nakangiti siyang sinasabi iyon ngunit may luha naman sa kanyang mga mata 



Yinakap niya pa ako dahil marahil sa sobra muling saya. Gaya ko ay nagiging emosyonal din lamang siya alam ko din na gaya ko ay kinabahan din siya kanina pero linakasan niya lamang ang kanyang loob para sa aming dalawa

REAGAN  MBS #1[COMPLETED]Where stories live. Discover now