"Alam ko." Okay, edi wow! Alam mo na, tch.


Hindi ko na siya kinausap pa at wala din naman akong makukuha. Walang kwentang kausap 'to, mapapanisan ka ng laway. Ayoko na talaga siyang kausapin, bahala siya sa buhay niya.


Sumakay na lamang kami ng taxi papunta sa practice hall namin dahil wala kaming dalang kotse. Kahit menorde edad pa kami ay pinapadala na kami ng kotse. Wala namang problema ang mga magulang namin.


Ilang minuto ay narating na natin ang practice hall namin. Sumasayaw sina Bran at Revenie para ngayong gabi ganun na rin si Kei. Si Cliren naman ay naglalaro at nakahiga lang sa sofa.


"Haaay! Mabuti at may tao na akong makakausap." Sabi ko at pinaparinggan si Steve, pero mukhang hindi tinablan at dumeretso sa ref.


"Hey dre! I miss you dree!" Sigaw ko at pinuntahan si Cliren para bulabugin hahaha.


"Kadiri ka Blue! 'Wag mo akong guluhin! Kapag namatay ako papalunukin talaga kita ng milyon-milyong asul na krayola!"


"Pakyu! Pa-kiss nga dre hahaha." Tinabihan ko siya at ginugulo sa paglalaro. Naglalaro kasi siya ng NBA na halos laruin na niya magdamag.


"Yes, shoot!" Sigaw niya at para bang wala lang ako sa gilid niya.


Bakit ba ang susuplada at suplado ang mga tao ngayon? Tch, ang hirap ba naman maging loner. Sina Bran naman ay busy, ako lang mag-isa. Ako lang din walang ka-pares huhuhu.


"Sinabon ko naman ayaaaw kuminis!" Sinunod ko ang advertisment sa t.v and nag-walling. Tumigil sa pagsasayaw sina Bran at taka akong tiningnan.


"Huy! Baliw ka ba?" Paglingon ko sa gilid ay nakit ko si Zeke. Hindi pala ako nag-iisa!


"Zeke! My hero.." Sabi ko at niyakap siya ngunit hinarang niya ang kanyang mga kamay.


"Shessh! Chansing eh, magsama kayo ng kaibigan mo!" Sabi niya at sinulyapan si Kei. Nagpaparinig ba siya?


"Feeling eh." Sabi ni Kei at inis naman siyang nilingon ni Zeke.


"Ano?!"


"Feeling eh, eh, eh twowene-one! Eh, eh, eh." Pakanta-kanta agad si Kei ng 2ne1 at inirapan na lamang siya ni Zeke. Kahit kailan ang epic talaga ng mga palusot ni Kei.


Tss, ano na lang ba gagawin ko? Forever alone.


"Guys! Pansinin niyo akoo!" Sigaw ko na para bang maiiyak na.


"Asulul!" Sabay-sabay nilang sigaw at tinawanan lang ako. Tch! Pinagtutulungan ba naman ako.


Tinalikuran ko na lamang sila at pinalipad ang aking dirty finger . Pakyu kayo!


Skip a DanceWhere stories live. Discover now