Chapter 68

451 23 6
                                    

Masayang masaya si Simon dahil sa nangyari sa kanila ni Yassi. Alam nyang mahal sya ng dalaga ngunit mas lalo nya yung napatunayan dahil kusang loob nitong ibinigay sa kanya ang sarili.

Nasa Maynila na sya at nasa loob na sya ng kanyang opisina ngunit sariwa pa sa kanya ang mga naganap sa kanila ni Yassi.

Nakaramdam sya ng pag-iinit nang maalaala ang nangyari sa kanila ng kasintahan.

Si Yassi pa lang ang nagparanas sa kanya ng ganito.

Kinuha nya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa.

He dialed Yassi's number.

Napangjti si Yassi nang makita ang caller id ng tumatawag sa kanya.

Pang-ilang tawag na ba ni Simon ito ngayong maghapon? Kakahiwalay lang nila kahapon, hinatid sya nito sa kanilang bahay at dumeretso na rin ito pa-Maynila pero maya't maya tinatawagan sya ng nobyo.

"Ummm... Bakit po?" lambing nya dito.

"I miss you already." sagot ni Simon sa paos na tinig.

Tumawa si Yassi.

"I miss you too mahal ko."

"Does it still hurt?" tanong ni Simon.

Namula si Yassi sa tanong ng kanyang kasintahan.

Kahapon medyo masakit pa ang bahaging yun at hirap pa sya sa paglalakad.

Bakit nga hindi nakailan pa sila ni Si noong Sabado.

"Okay na..." nahihiyang sagot ng dalaga.

"I miss you terribly. Can't wait to see you and feel you my love." madamdaming saad ni Simon.

"Hmmm... pauwi na sina Tatay sa Wednesday. Malilimitahan na ang mga lakad natin." malungkot na sagot ni Yassi.

Simon sighed.

"When are we going to tell Tatay Mario that we're back together?" seryoso nang tanong ni Simon.

Natigilan si Yassi.

Panahon na nga siguro para ipagtapat nya sa kanyang ama na may relasyon sila ni Simon.

"Ummm... Saturday night. Get ready mahal ko."

"Yes my love!"

"Si, this isn't easy. Kahit anong sabihin ni Tatay kumapit lang tayo, okay?"

"Of course my love. I just hope he'll accept me for you."

Lumilipad ang isip ni Yassi nang matapos ang pag-uusap nila ni Simon.

Kinakabahan sya sa mangyayari sa araw ng Sabado.

Huminga sya ng malalim.

𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰 𝘚𝘪! 𝘞𝘩𝘢𝘵𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘦𝘴 on 𝘰𝘶𝘳 𝘸𝘢𝘺, 𝘸𝘦'𝘭𝘭 𝘴𝘵𝘪𝘤𝘬 𝘵𝘰 𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳.

𝘚𝘪, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘵𝘢𝘸...

Matapos magpaalam sa mga tauhan ay umuwi na muna sa kanila si Yassi.

Miyerkules na at pauwi na ang mga magulang nya at Lola Adela nya mula Mindoro.

Ipagluluto nya ang mga ito ng tanghalian.

Kakasalang lang nya ng sinaing nang tumunog ang kanyang cellphone.

Unknown number.

"Hello!" sagot nya.

Silent PainKde žijí příběhy. Začni objevovat