Chapter 34

532 30 1
                                    

"Baguio City! Here we are again!" masayang bulalas ni Yassi nang makababa sila ni Simon mula sa kotse.

Nasa harap na sila ng resthouse ng pamilya Marcos.

Hinawakan ng binata ang kanyang kamay. Nakangiti nyang tiningnan ang nobyo.

"Let's go!" malambing na yaya ni Simon kay Yassi.

Nasa Pangasinan ang mga katiwala nina Simon. Tumawag si Simon sa mga ito noong isang araw upang iabiso na bibyahe sila ng Baguio sa weekend. Ngunit may mahalagang okasyon na dadaluhan ang mag-asawa sa kaanak kaya expected na nila na wala ang mga ito sa resthouse.

Sa pamamagitan ng duplicate key ay binuksan ni Simon ang gate.

"The car will stay outside?" tanong ni Yassi nang makapasok na sila sa loob ng malawak na bakuran.

"Yeah. Cars are safe outside. Look around. Halos lahat ng mga sasakyan nasa labas."

Lumingon sa labas ng bakuran ang dalaga.

Totoo ngang sa labas naka-park ang mga sasakyan ng mga katabing bahay.

Si Simon ang nagbitbit ng mga dala nilang bag hanggang sa front door.

I-unlocked nya ang pinto sa pamamagitan ng passcode.

Napangiti si Yassi.

High-tech ang resthouse nina Simon.

Malinis at maayos ang kabahayan nang pumasok sila.

Dumeretso sa kusina si Simon at sumunod naman si Yassi.

May laman ang ref. Puno yun gaya ng binilin nya sa mag-asawang katiwala.

"Are you hungry?" tanong ni Simon.

"Busog pa ako. Remember, kumain tayo sa fave fastfood chain ko kanina."

Ngumiti ang binata.

"Then magpahinga muna tayo. It's almost 6pm pa lang. Later I'm going to order for our foods."

"Wag na. I'm gonna cook na lang."

Binuksan ni Yassi ang ref at tiningnan ang pwedeng lutuin.

Inilabas nya ang chicken at pork meat. Binabad na nya ito sa tubig para lumambot.

Umakyat na sila sa taas para dalhin ang mga dalang gamit.
Hinatid ni Simon si Yassi sa guestroom na dating ginamit ng dalaga.

Matapos magbihis ay nagpasyang lumabas ni Yassi. Sarado ang silid na kinaroroonan ni Simon kaya nagpasya na syang bumaba sa kusina.

Dahil gamay na nya ang kusina ng resthouse nina Simon, madali ng nakakilos si Yassi para magluto. Nagsalang muna sya ng sinaing. Dinamihan na nya para may isasangag sya bukas.

Nakaprepara na ang lahat nang bumaba mula sa taas si Simon.
Nakapagpalit na rin ito ng pambahay.

"Nagluluto pa ako. Stay ka muna sa living room." ani Yassi.

"No. Manonood ako kung paano magluto ang future wife ko." nakangiting sagot ng binata.

Pinamulahan ng mukha ang dalaga.
Really? Future wife daw?

Hindi sya nagpahalata na kinilig sya sa sinabi ni Si.

Nag-focus sya sa kanyang pagluluto at hindi sya nagpaapekto sa presensya ng kasintahan.

"Sana pala nag-take out na lang tayo ng foods kanina. I forgot."

"No it's okay. At least luto ko itong kakainin natin." sagot ni Yassi habang tinitimplahan ang niluluto. Sakto naman na katatapos lang mag-inin ang sinaing.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon