Chapter 53

415 29 12
                                    

Sunod sunod na inquiries ang natanggap ni Yassi sa messenger ng FB page nya.

Napilitan syang gumawa ng panibagong FB account at IG account para sa Yummy Place.

May mga gustong magpa-cater sa kanila at  may mga nanghihingi ng mga quotations.

Lumalawak na ang kanyang negosyo.

Kailangan na nyang mas mag-focus sa kanyang food services business.

"Blaze..."

"Hey, what's up?" tanong ng binata.

"If you have time, punta ka sa bahay bukas." ani Yassi.

"Ha? Sige."

"May sasabihin kasi ako."

"Pwede bang malaman ko na ngayon?" seryosong tanong ni Blaze.

"Bukas na lang ano ka ba. Daanan mo ako sa resto ha."

"Sure."



"Sorry Dude, hindi ko alam kung saan nakatira si Yassi." sagot ni Dylan nang tawagan sya ni Sandro.

"Bro, matagal na bang magkakilala ang kapatid mo at si Yassi?"

"I don't know. But I think yes. My brother is too independent. That's the reason kaya hindi yun pumirmi sa parents ko."

Nahimigan ni Dylan na mukhang interesado ang kaibigan kay Yassi.

"Hanggang ngayon pa ba?" tudyo niya dito.

"No it's not that. I mean, matagal ko rin syang hindi nakita. Mangungumusta lang sana."

"Hindi ba kayo nakapag-usap noong kasal ko?"

"She's busy." tipid na sagot ni Sandro.

Ngunit nahalata nyang iniiwasan sya ni Yassi.

At hindi sya makalapit dito dahil laging nasa tabi nito si Blaze na kapatid ni Dylan.

"Okay bro. I've heard Yassi owns a resto. Maybe I can ask Blaze about her contact number."

Nabuhayan ng loob si Sandro.

"Thanks dude."


"Ma'am Yassi," katok ni Mildred sa pinto ng opisina ng dalaga.

"Yes, Mildred? Pasok ka."

Inawang ng bahagya ni Mildred ang pintuan ng opisina ng kanyang boss.

"Ma'am may bisita kayo. Paakyatin ko na ba?" nanunudyong pahayag ni Mildred. Kilala nina Mildred si Blaze ngunit gusto lang nyang tuksuhin ang kanyang boss at hindi sinabing si Blaze ang bisita ng amo.

"Sige Mildred."

Isinara na ni Mildred ang pintuan ng opisina ni Yassi.

Pababa na sana si Yassi  ngunit dumating na si Blaze.

Dalawang magkasunod na katok sa pinto ang narinig ni Yassi.

"Come in."

Natigilan si Yassi nang pumasok si Blaze.

"Hi!"

Dun sya nahimasmasan sa bating yun ni Blaze.

Ang gwapo kasi ni Blaze.

Ngayon lang nya napagtuunan ng pansin, may resemblance si Blaze kay Simon. Ang mata, ang ilong, ang labi. Magkaiba lang ng shape ng mukha ang dalawa. Medyo rounded ang face ni Blaze while oval face naman si Simon.

Pero pareho silang gwapo.

Even sa skintone, magkasing-kulay ang dalawa.

Ano ba yan, bakit nai-compare nya ang dalawa.

Silent PainWhere stories live. Discover now