Chapter 65

463 23 17
                                    

"Si!" tawag ni Sandro sa kapatid habang abala ang una sa paglalagay ng bagahe sa trunk ng sasakyan.

Mukhang paalis na ang mag-ama. Napatingin si Sandro sa kanyang orasan. It's only 3PM. Ganoon ba ka-excited makauwi ng Batangas ang kanyang kapatid?

"Kuya Sandro." tanging sambit ni Simon sa kanyang panganay na kapatid. Ito ang una nilang pagkikita matapos ang pangyayari sa resort ng mga Sandoval sa Batangas. Hindi na sila nag-usap mula noon at mukhang nagtampo si Sandro dahil sa hindi pagsagot ni Simon sa mga tawag at text nito nang araw na yun.

"Can I go with you?" tanong ni Sandro. "You're going to Batangas, right?"

Tumango si Simon.

"Yes. We're going to Batangas. You can go with us if you want."

"Yehey Tito Sandro let's go swimming. Mama Yassi promised me she'll teach me how to swim." daldal ng bata.

"Mama Yassi?" ulit ni Sandro.

Napatingin sya kay Simon.

"We're back together." maigsing esplika ni Simon.

Tumango tango si Sandro.
So totoo nga ang nakarating sa kanya na balita. May nakakita kina Simon at Yassi na kaibigan nya, nakita nito ang dalawa sa isang exclusive resort sa Batangas.

May stolen shot pa nga na naglalakad ang dalawa na magkahawak kamay.

𝘋𝘢𝘮𝘯...

Convoy sila sa pagbyahe. Dala ni Sandro ang sariling sasakyan.

Habang nagdadrive ay nag-iisip si Sandro.

Napabuntong-hininga sya sa bumabagabag sa kanyang isipan.

"My love we're on our way... Kasama namin si Kuya Sandro."

Tinawagan ni Simon ang nobya.

"Really?"

"Yes."

"Dito na kayo dumeretso mahal ko. Magpi-prepare na ako ng hapunan natin. Sinabi ko na kay Nanay Yolly na gagabihin ako sa pag-uwi."

"Thanks my love. See you later. I love you."

"I love you too. Drive safely."

Napangiti si Simon nang i-end nya ang kanyang tawag.

Wala na syang hahanapin pa kay Yassi. Mahal na mahal sya nito, pinagsisilbihan, inaalagaan kasama si Sianna bagamat alam nitong hindi nya totoong anak ang bata.

Dahil doon mas lalo pa nyang minahal si Yassi.

Haizzt!

Kailan pa sila magiging legal sa harap ng mga tao?

Gustong gusto na nyang pakasalan si Yassi.

"Marianna where are you?" sa isip ni Simon.

Bakit hanggang ngayon wala pa silang makuhang lead kung nasaan ito. Marami na syang inupahang private investigators pero walang nangyayari.

May humaharang ba sa pagpapahanap nya kay Marianna?

Sino at ano ang motibo?

Magkasunod na ipinarada nina Simon at Sandro ang kanilang mga sasakyan sa harap ng resto ni Yassi.

Past 7PM nang makarating sila sa Batangas. Salamat na lang at walang traffic.

Kaagad sinalubong ni Yassi sa pintuan ang mga dumating.

Hinagkan sya ni Simon sa labi na ikinapula ng mukha ng dalaga dahil nakita yun ni Sandro.

Nagpakarga naman si Sianna at nagpakiss sa pisngi.

Silent PainWhere stories live. Discover now