Chapter 44

454 31 12
                                    

Mula nang manggaling sila sa beach, napansin ni Yassi na unti unti nang lumalapit sa kanya si Simon.

Hindi katulad ng dati na medyo ilag ito sa kanya kaya naiilang din sya dito.

"Have you packed your things?" tanong nito sa kanya.

"Yes Sir!"

Patungo  sila ngayon sa Cebu for a business conference.

Isinama sya ni Simon kahit wala naman syang gagawin roon. Hindi sya makatanggi. He is her boss anyway.

Matapos mag-check in ay tumuloy na sila sa kani-kanilang mga silid.

Magkatapat lang ang kanilang mga hotel room.

Bukas pa ang simula ng 3-day conference ni Simon. Maghapon lang silang magpapahinga ngayong araw.

Tumunog ang kanyang cellphone.

Napangiti siya nang makita ang text ni Sandro.

"How's your flight?"

"Okay lang po Sir. Andito na po kami and nagpapahinga na po kami sa kanya-kanyang hotel room."

"That's good. Take care and enjoy your stay there."

"Thanks po Sir. Ingat din po."

Matapos ang huli nyang reply ay hindi na sumagot si Sandro.

Tumayo si Yassi at sumilip sa bintanang salamin.

Nabighani sya sa magandang tanawin.

Kulay asul na dagat at luntiang kapaligiran.

Ang ganda talaga ng mga resort hotel sa Cebu!

Naputol ang kanyang pagmamasid nang tumunog ang doorbell.

Lumapit sya sa pintuan at binuksan yun.

Si Simon ang naroon.
Nakabihis na ito. Nakasuot na ng polo shirt na stripe white and red at nakasuot ng casual short na kulay black.

Ang gwapo sa kanyang paningin ang binata.

"Let's take a walk." yaya nito sa kanya.

"Naku Sir di pa ako nakakapagpalit..." nahihiyang sabi ng dalaga.

"It's okay. You still look fine." sagot ni Simon.

Nakasuot sya ng tattered jeans saka loose t-shirt na white.

From 18th floor, they went down hanggang sa ground floor.

Umexit sila at ngayon binabaybay ang pathway patungong tabing dagat.

Medyo makulimlim kaya sakto lang ang paglalakad nila.
Hindi sila mabibilad sa sikat ng araw.

"I really love going to beaches." ani Simon.

Napangiti si Yassi. Totoo naman kasi.

"Nature lover ka Sir."

"Yeah."

Nagsalubong ang kanilang mga paningin at ngumiti sila sa isa't isa.

Hindi gaanong matao sa dalampasigan. Mangilan-ngilan lang ang naliligo sa dagat.

They walked around.

Nang makakita sila ng isang bench  ay inaya sya ni Simon upang maupo.

"Do you have a boyfriend?"
biglang tanong ng binata.

Nasamid ng kanyang laway si Yassi.

"Ho... Ah eh..." hindi nya alam kung paano at ano ang isasagot sa binata.

Silent PainWhere stories live. Discover now