Chapter 3

822 38 10
                                    

"Ipapahatid na kita kay Manong Arnel Miss Yassi. Pack your things dahil bukas aalis na tayo pa-Maynila. Magpaalam ka na sa parents mo."

Nagulat si Yassi sa deklarasyon ng amo. Agad-agad magsisimula na sya sa trabaho?

Nakita nya ang pagkunot ng noo ni Simon marahil sa nakita nitong ekspresyon sa mukha nya kanina. Nagulat kasi sya.

Agad nya itong nginitian para ngumiti na rin ito.

Nang ngumiti na ulit si Simon ay na-conscious naman sya.

"Okay po Sir. Uuwi na po muna ako para makapag-ayos ng mga dadalhin kong gamit at para makapagpaalam na rin kina Nanay at Tatay." paiwas nyang sabi.

"Anak mag-iingat ka sa Maynila ha. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Mabigat man sa loob namin na mapalayo ka sa amin ng ama mo, buong puso ka naming susuportahan sa desisyon mong ito. Sige na at kanina pa naghihintay si Manong Arnel," anang ina ni Yassi.

Lalo pang hinigpitan ni Yassi ang yakap sa ina.

"Salamat po Nanay. Promise po di ko po pababayaan ang sarili ko dun."

Yumakap din ang dalaga sa ama na tahimik lang na nakatingin.

"Tay naman. Ngiti naman dyan o! Parang ang bigat naman sa loob na iiwan ko kayong malungkot," pilit nyang pinapasaya ang kanyang boses ngunit halos gumaralgal na rin yun.

Napilitang ngumiti ang tatay nya.

"Mag-iingat ka roon anak ha. Kung di mo kaya ang trabaho mo, magpaalam ka kaagad sa boss mo, ha."

"Opo 'Tay." kunwari ay masigla nyang sabi.

Ang totoo nyan, magkahalong excitement at lungkot ang nararamdaman nya. Nalulungkot sya kasi ito ang unang pagkakataon na mapapalayo sya sa kanyang mga magulang. Tiyak mamimiss nya ang mga ito pag nasa Maynila na sya.

Sa kabilang dako, nae-excite sya sa magiging trabaho nya bilang Personal Assistant ng isang Simon Marcos. Panibagong yugto ng kanyang buhay ang susuungin nya ngayon.

Matapos ang madramang paalamanan ay hinatid na sya ng kanyang ama at ina sa sasakyan.

Ngayon ay patungo na nga sila sa mansion ng mga Marcos.

"Akala ko ba next week pa ang start ng trabaho ni Yassi?" tanong ni Sandro kay Simon. Nasa recreational room sila ngayon at naglalaro ng billiard. Nakaalis na ang mga pinsan nila kaya naisipan naman nilang maglibang. They always do that kapag weekend.

"I have a very important matter to do on Tuesday so I need to go back to Manila tomorrow," sagot ng binata.

Inasinta ni Simon ang bola. Areglado yun na nakapasok sa right corner pocket.

Napasigaw si Vinny.

"Bro gumagaling ka na ah! Akala ko sa paggigitara ka lang magaling, ngayon natatalo mo na din kami sa bilyar."

Ngumisi lang si Simon.

Tumunog ang kanyang cellphone na nasa likurang bulsa nya.

Si Manong Arnel yun.

Pabagsak nyang binaba ang cue stick at agad lumabas ng recreational room nang malamang nasa baba na ang mga ito. 

Nagkatinginan pa ang dalawang binatang Marcos dahil sa pagmamadali ni Simon.

Natatawa nilang sinundan ito.

"Hello po!" bati ni Yassi sa mga binatang Marcos. Si Simon ay agad kinuha ang dala maleta. Kinuha nito kay Manong Arnel at sinabihang sya na ang maghahatid sa kwarto ng dalaga.

Silent Painحيث تعيش القصص. اكتشف الآن