Chapter 1

2.8K 60 7
                                    

This is a work of fiction. Names (except Simon Marcos, Sandro and Vinny), characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Sobrang fan lang talaga ako ni Simon so I decided to make a short story na sya ang main male character ko. Dedicated ko ang story na ito sa lahat ng mga fans ni Simon.

Sorry kung may typo error and wrong grammar. 😅

Let's start!



Kinakabahan si Yassi habang hila-hila ng kanyang Lola ang kanyang kamay. Naglalakad sila ngayon patungo sa mansion ng mga Marcos.
Sa araw na 'yun ay ipapakilala sya nito sa kanyang mga amo. Kinulit kasi nya ng kinulit ang kanyang lola, (who happens na mayordoma ng pamilyang yun) na ipasok syang aplikante for Personal Assistant ng isa sa mga Marcos. Nabanggit ng kanyang Lola na naghahanap ng Personal Assistant si Don Fernan para sa isa nitong binatang anak.
Fresh graduate sya sa kursong HRM pero gusto agad nyang magkaroon ng trabaho kaya di nya tinantanan ang kanyang Lola para dalhin sya sa mga Marcos. Noong umpisa ay tigas ang pagtanggi ng kanyang Lola Adela. Tama na raw na ito lang ang manilbihan sa mga Marcos. Pero sa kakakulit nya ay pumayag na rin ito na mag-apply syang PA.

"Hoy Yassi alam mo ba kung anong ibig sabihin ng Personal Assistant ha? Baka mamaya nyan di mo kayang gawin ang trabahong yun naku malilintikan ka sa akin apo. Baka ipahiya mo lang ako sa mga amo ko." Mahabang litanya ni Lola Adela sa dalaga.

"Kayang-kaya ko 'yun Lola. Ako pa. Di ba apo mo nga ako? Nagmana ako sa iyo." Puno ng kumpiyansa sa sarili na sagot nya sa kanyang lola kahit ang katotohanan ay binubundol ng kaba ang dibdib nya.

"Ewan ko sa iyong bata ka. Nagmamadali kang makapagtrabaho eh pwede ka namang mag-apply sa Maynila sa mga malalaking kompanya kung bakit naman naisipan mong maging Personal Assistant. HRM ang natapos mo. Baka di mo alam mahirap ang maging PA." Dagdag pa ng lola nya.

"Lola naman dini-discourage mo ako eh," lambing nya na may kasamang maktol.

"Malapit na tayo sa mansion. Wag kang umasa na ikaw ang makakakuha ng pwestong yun ha. Kahapon pa mahaba ang pila ng mga aplikante. Baka nga may nakuha na si Simon eh."

Tama ba ang kanyang narinig? Si Simon ang nangangailangan ng PA?

Sa tatlong anak na binata ni Don Fernan, tanging si Simon lamang ang di pa nya nakikita ng personal. Na-meet na nya ng ilang ulit sina Sandro at Vinny dahil aktibo ang mga ito sa politics. Itong si Simon ang hindi pa dahil madalas nasa labas ng bansa. Sa social media lamang nya ito nakikita.

Humigit si Yassi nang malalim na hininga nang makarating sila sa gate ng mansion. Dahil kilala ang lola nya ay agad silang pinapasok ng naroong guard.

Namangha si Yassi sa laki ng mansion. Dalawang palapag yun. Moderno ang istilo nito at halos puro salamin ang dingding. Napakaluwang din ng bakuran nito na napapaligiran ng mga ornamental plants. Sa tagal nang naninilbihan ng lola nya sa mga Marcos, ngayon pa lamang sya nakatungtong sa mansion ng mga ito kaya manghang-mangha sya sa kanyang nakikita.

Saktong nasa veranda ng mansion ang mag-asawang Don Fernan at Donya Luisa kaya pinakilala ni Lola Adela ang apong si Yassi sa mga amo.

"Ah... Don Fernan, Donya Luisa, ito po yung apo ko na gustong mag-apply na PA ni Sir Simon. Yassi po ang pangalan nya."

Ngumiti si Yassi sa dalawang amo ng lola nya. Yumukod sabay bati, "Magandang umaga po."

"Magandang umaga din hija," halos sabay na tugon ng mag-asawa.

Silent PainWhere stories live. Discover now