Chapter 63

429 30 26
                                    

Mula sa kinauupuan ay nakita ni Sandro sina Yassi at Simon.

He was surprised na naroon din ang kapatid nya. Kasama sa mesa ang pinsan ni Dylan na si Samuel, Sam ang tawag nila dito.

He stood up at nagpaalam sa mga kasama na pupuntahan ang kapatid.

"Si!" sabay pang napalingon sina Yassi at Simon kay Sandro.

"Nandito rin kayo."

Tumango si Simon. Tumingin si Simon kay Samuel.

"Congressman, may business proposal kasi si Insan dito sa kapatid mo, baka mamaya pa sila makapag-usap so ako muna ang kasama nya dito." paliwanag ng lalaki.

Natigil ang pag-uusap nila nang magsalita ang ina ni Blaze na syang may kaarawan.

"Good morning ladies and gentlemen. Thank you for coming and for celebrating my 70th birthday with me. Masayang-masaya ako ngayon dahil nandito kayong lahat, most especially, dahil kumpleto ang family ko ngayon. As you all know, laging ang anak kong si Dylan lang ang nandito kapag nagsi-celebrate ako ng birthday. Yung anak kong bunso, laging out of the country. But now, nandito si Blaze at hindi umalis ng bansa. And mayroon daw syang sorpresa sa akin."

Lahat ng bisita ay dumako ang paningin sa kinaroroonan ni Blaze.

"Anak ano ba 'yun excited na ako sa pa-surprise mo?" natatawang sambit ni Mrs. Sandoval. "Mag-aasawa ka na rin ba anak?" dugtong ng ginang kaya tumawa ang mga bisita.

Hindi maintindihan ni Yassi ang sarili.

Kinakabahan sya na di nya mawari.

She can sense something will happen.

Then Blaze appeared on the stage. Kinuha ang microphone sa ina.

"Ma, I did promise na kapag nakita ko na sya, ipapakilala ko na sya sa iyo. Naipakilala ko na sya sa iyo actually, as a friend. But today, I wanted to ask her, infront of everyone here, about her feelings towards me...."

𝘚𝘵𝘰𝘱 𝘪𝘵 𝘉𝘭𝘢𝘻𝘦. 𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘥𝘰 𝘵𝘩𝘪𝘴.

Nararamdaman ni Yassi kung saan patungo ang pananalita ni Blaze.

Lahat ay nakatuon ang atensyon sa binata. Napasulyap si Yassi sa mga katabi.
Blangko ang ekspresyon ni Simon while Sandro is puzzled.

Nakangiti naman ang katabing lalaki ni Simon, si Sam na pinsan nina Blaze, kilala na nya ito.

Tumingin si Blaze sa gawi ni Yassi.

He ignored kung nandun man ang mga Marcos.

𝘐𝘵'𝘴 𝘯𝘰𝘸 𝘰𝘳 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳... bulong ni Blaze sa sarili.

"My family knows me kung paano ako mainlove. I always give my best. It doesn't matter kung nasaktan man ako sa aking unang pag-ibig. This time gusto ko ulit sumugal. I will take the risk in the name of love. I just hope, this lady, whom I fell inlove with, the first time I met her, will eventually say "yes" to be my girlfriend..."

Long pause...

Nagbulungan ang crowd. Ang mga kaibigan ni Blaze na nakakakilala sa binata, agad napako ang tingin nila kay Yassi.

At doon na nga sa gawi ng dalaga lahat napatingin.

Humakbang si Blaze bitbit ang isang bouquet ng mga pulang rosas palapit sa kinaroroonan ni Yassi.

Tahimik ang lahat.

Nag-aabang sa susunod na mangyayari.

Yassi felt uncomfortable.

Silent PainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt