Chapter 52

414 35 8
                                    

"Okay ka na?" tanong ni Blaze.

Nahihiyang ngumiti si Yassi.

"Sorry ha nagdrama pa ako. Nakakahiya."

"Okay lang. Heto oh." inabot ng binata ang puti nitong panyo.

"Teka lang baka may dala ako dito." tiningnan ni Yassi ang maliit nyang sling bag ngunit wala syang dalang panyo.

Nahihiya nyang inabot ang panyo ni Blaze.

"Wala pala akong dala." dinaan nya sa biro ang pagkapahiya.

"It's okay. Bago lang yan so sa iyo na 'yan." nakangiting sabi ng binata.

Matapos magpahid ng kanyang mga luha ay nanalamin si Yassi gamit ang kanyang cellphone.

"Tara na Blaze baka hinahanap ka na nila. Anong oras na ba?"

Sinabi ni Blaze ang oras.

"Pwede na ba akong makauwi Blaze?" nahihiyang tanong ni Yassi.

Tumango ang binata.

Malayo pa ay tanaw na ni Sandro sina Yassi at Blaze.

Nakaalalay si Blaze sa dalaga habang naglalakad.

"Dude, ang mata mo di na mawalay sa tinitingnan mo." tukso ni Drix.

Agad namang ibinaling ni Sandro ang kanyang paningin sa ibang direksyon.

"Mukhang aalis na si Yassi." ani Henry.

Nakita nga ni Sandro na mukhang nagpapaalam na si Yassi sa mga bagong kasal.

"Sir Dylan, Ma'am, congratulations po." bati ni Yassi nang lumapit sila ni Blaze sa dalawa.

Ngumiti si Dylan at nagpasalamat. Makahulugan din itong tumingin sa kapatid.

"I hope to see you again Yassi. Anyway, now I realized bagay pala kayo ng kapatid ko." tumingin si Dylan sa asawa, "Right, honey?"

"Yes hon. I agree."

Napakamot naman sa ulo si Blaze samantalang pinamumulahan ng mukha si Yassi.

Lumapit din si  Blaze sa mga magulang upang ipagpaalam si Yassi.

"Uuwi ka na ba agad hija?" tanong ng ama ni Blaze.

"Opo Sir."

"Ay maaga pa." sabi naman ng ina ng binata.

"Pasensya na po may imbentaryo po kasi kami ng stocks bukas. Maaga pa po kasi akong gigising."

"Ay syanga ba?"

"Opo."

"Yes Ma, may resto si Yassi at sya ang nagpapatakbo dito." pagbibida ni Blaze sa negosyo ng dalaga.

"Owww, sayang pala sana kinuha kang caterer sa kasal ni Dylan."

"Ma nabanggit ko na sa inyo dati pero ang side nina Ate Jane ang nagdecide sa catering services."

"Tama ka anak. Wala tayong magagawa dun."

Matapos ipagpaalam ni Blaze si Yassi ay sumaglit sila sa kanilang mga ka-banda.

"Ihahatid ko lang si Yassi. Babalik din agad ako." ani Blaze kina Ram at Josh.

"Kuuuu kahit bukas ka na bumalik." kantyaw ng dalawa.

Natawa na lang si Yassi sa pang-aasar ng mga kasama kay Blaze.

"Myles mauna na ako ha." paalam ni Yassi.

"Sige lang bhe. Ingat kayo."

Nagpaalam saglit si Blaze kay Yassi na magpapalit ng damit. Naiinitan na kasi ang binata sa suot na tuxedo.

Silent PainWhere stories live. Discover now