Chapter 42

387 23 1
                                    

Matapos uminom sa bar ay pinuntahan ni Simon sa kanyang condo si Marianna.

Nais nyang mawaglit sa kanyang isip si Yassi. He wanted to focus on his girlfriend.

Nagulat pa ang babae sa biglang pagbalik doon ng binata.

"It's late at night babe!" anang babae.

Kinabahan sya dahil kakaalis lang ng kanyang bisita. Buti na lang hindi ito naabutan ng binata.

"I wanna sleep here." ani Simon.

Ngumisi si Marianna.

Tamang tama ang pagdating ni Simon sa kanyang condo.

"Really, babe? You're going to sleep here?"

Tumango si Simon.

Hinatak ng babae si Simon at hinalikan sa labi. Mapusok ang iginawad na halik ni Marianna.

Naging hudyat yun upang madarang si Simon.

Lalaki lang sya upang di tablan sa alindog ng babae. Lalo pa at nakainom sya.

Masayang-masaya si Marianna habang minamasdan si Simon na himbing sa pagkakatulog.

Matagal na panahong hinintay nya ang makaniig muli ang binata. At ngayong gabi nagkaroon na rin ng katuparan ang matagal na nyang hinihintay.

Blessing sa kanya ang pagkakaaksidente ni Simon. Nabura ang ilang alaala nito lalo na ang pagtataksil nya dito.

Napangisi sya sa kanyang naisip.

"You're mine Simon. Sooner or later, you will marry me."

Nakaidlip na sa sofa si Yassi sa paghihintay kay Simon.

Nalaman nya kay Merly na umalis ito at hindi pa nakakabalik.

Nag-aalala sya baka kung ano na ang nangyari dito.

Napabuntong-hininga si Sandro nang makita ang dalaga na nakatulog na sa sofa sa salas. Bumaba sya upang uminom sana ng tubig ngunit nakita nya ang sitwasyon ng dalaga sa sofa.

"Yassi, wake up."

Mahihinang tapik sa braso ang ginawa ni Sandro.

Nagmulat ng kanyang mga mata ang dalaga. Kinusot pa ng dalaga ang kanyang mga mata.

"Sir nakauwi na ba si Si?"

Umiling si Sandro.

"He's... he's with Yanna. Yanna texted me a while ago."

Lumamlam ang mukha ng dalaga. Gumuhit ang sakit sa mukha ni Yassi.

Nagsisi tuloy si Sandro kung bakit sinabi pa nya ang totoo dito.

"Now go up to your room. Doon ka na matulog."

Tumango si Yassi.

Hinatid ng tanaw ni Sandro ang papaakyat na dalaga.

Kahit anong gawin nya, kahit ipasyal nya kung saan saan si Yassi, batid nyang pansamantala lang nya itong mapapasaya.

Dahil ang katotohanan, si Simon lang ang makakapagpasaya dito ng lubos.

Masakit ang ulo ni Simon nang magising kinabukasan.

Nagulat pa sya nang mapagtantong wala syang anumang saplot.

Natapik nya ang kanyang ulo nang maalaala ang mga nangyari kagabi.

Kaagad syang nagbihis.

"Babe, aalis ka na? tanong ni Marianna na kalalabas lang mula sa banyo.

Silent PainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora