Chapter 20

563 38 2
                                    

Nagulat si Yassi nang malakas na hampasin ni Simon ang manibela ng sasakyan.

"Sir!" naiiyak na naman nyang sabi dito. Kita nya ang pamamaga ng mga kamay ni Simon. Namaga yun sa pagsuntok sa mukha ni Lance.

"That bastard!" nagngingitngit nitong sabi.

Hinaplos ni Yassi ang mga kamay ng binata.

"Umuwi na tayo Sir. Magpahinga na tayo." she said while she is holding her tears.

Nabaghan ang kalooban ni Simon.

He cupped her face.

"No one will hurt you from now on. As long as I am with you, and you are with me."

He look at her intently. Their eyes met.

Nakaka-overwhelmed ang mga sinabi ng boss nya.

She must be thankful.

"Thank you Sir. Kung hindi ka dumating baka napahamak na ako..." with a sobbing voice, she said.

Niyakap siya ni Simon. Hindi na rin sya nahiyang yumakap dito.

Nakaramdam sya ng kapanatagan sa yakap na yun ng binata.

Simon is her Knight in Shining Armor.

Kalmado na si Simon habang nagpapatakbo ng sasakyan.

Silence is deafening.

Nakarating sila sa mansion ng walang kibuan.

"What happened?" salubong ni Sandro sa dalawa.

Nag-alala ito nang makita ang hitsura nina Yassi at Simon.

Magulo ang buhok ni Yassi at mukhang tensyonado. Madilim naman ang mukha ni Simon at mukhang galit na galit.

"That Villafuego! I will kick him out from my company!" galit na sabi ni Simon.

Muling nangilid ang mga luha sa mata ni Yassi. Natatakot sa ikinikilos ng kanyang boss.

Nagtatanong ang mga mata ni Sandro.

Kanina pa sya naroon sa mansion ni Simon para dalawin ang kapatid. 9PM pa lang ay naroon na sya ngunit hindi nya nadatnan si Simon at umalis nga raw.

It's almost midnight kaya nag-alala na sya rito dahil hindi pa umuuwi maging si Yassi.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Yassi.

"I'm sorry for this mess." namutawi sa kanyang labi.

"It's not your fault." biglang lumambot ang boses ni Simon.

"Tell me ano ba talagang nangyari?" Sandro asked impatiently.

"Si--- si Lance po kasi Sir. He harassed me."

Yassi's tears fell after confessing.

"What? How come?" tumaas na rin ang boses ni Sandro.

Giniya ni Simon si Yassi para umupo.

"We'll file a case against him. I'll be the witness and Howard." seryosong sabi ni Simon.

Umiling si Yassi. Ayaw nya ng gulo at makaladkad ang pangalan nya. Lalong higit ang pangalan ni Simon. Isa kasi yung eskandalo.

"Sir, wag na po nating gawin yun..." naiiyak niyang sabi. "Ayoko po kasi ng eskandalo."

Namilog ang mga mata ni Simon.

"Yassi, he tried to rape you. It's not a simple harassment."

Humagulhol na ang dalaga.

Naantig ang kalooban ni Simon.

Silent PainWhere stories live. Discover now