Chapter 66

411 21 7
                                    

"Salamat po 'Nay!" masayang-masaya si Yassi nang payagan sya ng kanyang ina na mamalagi sa resort nina Simon kinabukasang araw ng Linggo.

"Ikumusta mo na lang ako kay Sandro apo. Kung sana makakapunta sya dito..." bilin naman ng kanyang lola.

"Sige po 'La. Isama ko po siya pag-uwi ko mamaya. Kahit maabutan naman po siguro ni Tatay walang magiging problema kasi kayo naman ang dadalawin." ani Yassi.

"Oo. Ako ang bahala sa Tatay mo. Namimiss ko na ang batang yun. "

Dahil namasada ang Tatay Mario nya ay nakaalis sya ng kanilang bahay na walang aberya.

"Mama!" tuwang salubong ni Sianna kay Yassi.

Kinarga naman agad ito ng dalaga.

Pinupog nya ng halik sa pisngi ang bata.

"I brought something for you. Nasa bag ko wait lang."

Ibinaba na ni Yassi si Sianna at binuksan ang dalang backpack bag. Inilabas mula roon ang plastic box na may lamang cupcake saka cookies.

"Yehey! Thank you Mama. Are you going to teach me how to swim?"

"Yes baby."

Nakangiti namang nagmamasid lang si Simon sa dalawa. Maya maya lang ay lumapit na ito kay Yassi at umakbay.

"I'm glad you're here." bulong nito.

"Namasada si Tatay. Half day lang ako dito."

Nalungkot man si Simon pero naiintindihan naman nya. Malaking sakripisyo na yun sa kanyang kasintahan. Ang maglaan ng oras para sa kanila ni Sianna.

Kumukuha lang sila ng tiyempo para magtapat na kay Tatay Mario tungkol sa kanilang relasyon.

Pumasok muna sila sa villa. Nagtanggal na ng kanyang suot na denim jacket si Yassi.
Nagulat si Simon sa suot ng dalaga dahil naka-spaghetti strap ito na pantaas. Sexy sa paningin nya.

Luminga linga sya at hindi naman nya matanaw ang kanyang Kuya Sandro. Marahil nasa pool na.

"My love, wear my shirt later." ani Simon.

"Ha? Ayaw mo nito?" tanong ni Yassi sabay turo sa suot na pantaas.

Umiling si Simon.

"Kuya Sandro is here. Ayokong makita ka nya na nakasuot nyan." nguso ni Simon.

Napangiti si Yassi. Tapos ay kinusot ang pisngi ni Simon.

"Nagseselos ka pa rin sa Kuya mo?"

"No!" mabilis na sagot ni Simon ngunit naging mailap ang mga mata.

"Okay, akin na yung t-shirt mo dahil maliligo na kami ni Sianna."

Umakyat si Simon sa kanyang silid para kumuha ng kanyang t-shirt.

"Naku Ma'am Yassi wag ka na pong magpalit ng pantaas. Hayaan nyo na yan si Sir, masyadong conservative." sulsol ni Yaya Marsha kay Yassi habang inaantay nila si Simon.

Katatapos lang nilang suotan ng damit panligo si Sianna nang makabalik si Simon, dala ang white t-shirt. Agad nitong iniabot kay Yassi yun.

"Sir ang kj mo po. Tama lang yang panligo ni Ma'am Yassi. Wag nyo na pong pagsuotin ng t-shirt." tudyo ni Yaya Marsha.

"Hayaan mo na Yaya Marsha, magpapalit na lang ako kesa awayin ako nyang boss mo." ani Yassi.

Kumindat sya kay Simon bago tumungo papunta sa banyo para magbihis.

Tumawa lang naman si Simon.

Nang makapagpalit si Yassi ay agad nang lumabas mula sa banyo.

Tawa ng tawa si Yaya Marsha.

Silent PainWhere stories live. Discover now