Chapter 43

405 23 0
                                    

It's weekend.

Narito sila ngayon sa isang private beach resort sa Batangas.

Si Sandro ang nagplano para sa outing na yun.

Kasama ang kanyang mga staffs at mga pamilya nito, sila nina Manang Belen, Sonia, Merly at personal bodyguards ng binata ay maagang umalis ng Maynila para sa outing na yun.

Overnight sila roon at kinabukasan pa ang balik nila.

Kanya-kanya silang toka sa pagluluto ng kanilang mga kakainin.

Nasa ihawan sina Sonia at Merly dahil toka nila ang pag-iihaw.

Si Manang Belen naman at Yassi ang nagluluto ng ibang mga ulam. Adobo, pritong manok at buttered shrimp.

Sina Mrs. Ancheta ay tumutulong kina Sonia sa pag-iihaw.

Isang up and down na malaking  villa ang okupado nila. Lima ang kwarto noon, dalawa sa baba, at tatlong maluluwang sa taas. Para lang din silang nasa malaking  bahay.

"Ganda, ang bango naman nyan." bati ni Andrea sa niluluto ni Yassi.

"Malapit na itong maluto. Mamaya kakain na tayo."

"Nagugutom na ako ah." biro naman ni Sandro na bagong pasok mula sa labas.

"Wait lang Sir, malapit na."

"Joke lang. Maaga pa naman."

Dahil kilala ni Sandro ang may-ari ng resort, lahat ng kailangan nila ay pin-provide ng may-ari. Gaya ng mahabang mesa na gagamitin nila sa kanilang boodle fight mamaya. Nasa labas na yun at may takip na rin ng dahon ng saging.

"Luto na ang sinaing." deklara naman ni Manang Belen.

Ginayak na nila ang mesa. Inihain nila ang mga pagkain. Pandalas  sina Yassi at Manang Belen sa ginagawang ensaladang mangga.

Naghiwa naman ng mga prutas si Maybelle at Andrea.

Tuwang tuwa si Sandro sa nakikitang pagtutulungan ng lahat.

Bago sila nagsimulang kumain ay nagdasal muna ng pasasalamat si Mrs. Ancheta.

Picture taking afterwards dahil hindi pumayag si Andrea na wala silang pictures.

Ang saya nilang kumain nang nakakamay. Magkatabi sina Sandro at Yassi sa dulong bahagi ng dalawang mahabang mesa. Lahat sila nakatayo at nakaharap sa mesa.

Habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ay panay ang buntong-hininga ni Simon.

Nag-away sila ni Marianna dahil sa simpleng bagay.

Isinasama nya ito sa pa-outing ng kanyang Kuya Sandro para mailapit sana sa kanyang kuya at sa mga tauhan nila pero ayaw nito.

Kahit paano gusto rin sana nyang mag-unwind ngunit ayaw syang pagbigyan ni Marianna. Inaaya pa sya nito na lumabas na lang sila ng bansa. Mag-shopping sa Hongkong o Singapore.

Hindi rin sya pumayag dahil may mahalaga syang business conference next week.

Nag-tantrums na ang babae at inaway na sya nito.

Ang hirap pakisamahan ng girlfriend nya. Nahihiya rin sya sa kanyang mga kasambahay.

Minsan hindi sinasadyang narinig nya ang usapan nina Merly at Sonia.

"Andito na naman yang kinikilalang jowa ni Sir. Kung umasta wagas. Talo pa nya si Sir sobrang maarte." sabi ni Sonia.

"Kaya nga. Nanghingi ng juice tapos noong iginawa ko pinintasan lang. Maasim daw. Haler! May orange juice ba na hindi maasim?" sagot din ni Merly.

Silent PainWhere stories live. Discover now