Chapter 60

495 34 58
                                    

Napalatak si Simon dahil sa di nya inaasahang maiipit sya ng trapik palabas ng Maynila.
Napatingin sya sa kanyang orasan, malapit nang mag-alas singko.

Anong oras pa sya makakarating ng Batangas?

Mag-aalas sais na nang makarating sya sa SLEX. At sa kamalasan, nagkaroon din ng traffic dahil may nangyaring aksidente.

Nagpaalam na si Yaya Marsha para iuwi na si Sianna dahil magdidilim na. Nakatanggap na rin kasi ito ng tawag mula kay Simon na gagabihin ito dahil sa traffic.

Ipinagbalot ni Yassi ng mga pagkain sina Yaya Marsha. Dinamihan pa rin nya yun para kay Simon.

Humalik sa kanyang pisngi si Sianna bago tuluyang umalis ang mag-yaya.

Panay ang labas ni Yassi sa kinaroroonan nina Tatay Mario nya at Blaze. Tantya nya ay lasing na ang tatay nya maging ang binata. Nakaalalay naman ang Nanay Yolly nya.

Bago sumapit ang alas siyete ay kinaray na ni Nanay Yolly si Tatay Mario. Nagpahatid sila kay Oscar na marunong magmaneho ng dyip dahil tinuruan ni Tatay Mario.

"Bahala ka na dyan anak. Iuuwi ko na ang Tatay mo patay-lasing na kasi. Saka ang lola mo baka wala na ring kasama roon." bago umalis ay sabi ni Nanay Yolly. "Si Blaze mukhang di na makakapagmaneho. Isabay mo na sa pag-uwi mamaya ha. Ipapasundo ko kayo kay Oscar. Sa bahay na lang sya matutulog."

"Sige po Nay."

Bago mag-alas otso ay halos wala nang bisita si Yassi. Ang mga kaibigan ng tatay nya ay nagsi-uwian na rin. Naiwan na lamang ang mga mababait nilang kapitbahay na syang tumulong sa kanya sa pagliligpit. Si Mildred at Alice ay umuwi na rin dahil sa ibang barangay nakatira ang mga ito.
Tumulong muna sina Kuya Aldin, Lander, Andy at Joel sa pag-aayos ng mga gamit bago rin nagpaalam ang mga ito. Todo pasalamat sya sa kanyang mga tauhan dahil napagod ang mga ito sa maghapon.

Nakaupo sa isang silya si Blaze at halos pasubsob na ito sa mesa sa dami ng nainom nito.

Umakyat saglit sa taas si Yassi. Nakaayos sa kanyang munting opisina lahat ng regalong natanggap nya. Napagmasdan nyang muli ang malaking teddy bear. Napapaisip sya kung kanino galing yun maging ang bouquet ng pulang bulaklak.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Kaagad nyang sinagot yun.

"Hello!"

"Sir Sandro?"

"Ummm, yeah. Just called up to greet you. Sorry nga pala di ako nakapunta. Andito ako ngayon sa Norte. Haizzt! Hindi ako nakaalis dahil sa isang engagement that I really need to attend." bakas sa boses ni Sandro ang panghihinayang.

"Okay lang po Sir. Dalaw na lang kayo dito pag nagawi kayo sa Batangas."

"Definitely I'll do that. Medyo busy lang talaga. So have you received my presents?" tanong ni Sandro.

"Ho? Sa inyo po galing yung dineliver dito kanina?"

"Yeah. May pinadeliver ako for you. I hope you like it."

Hindi maintindihan ni Yassi kung bakit imbes na maging masaya sya ay tila nalungkot sya sa narinig.

Mali ang expectation nya.

So it was Sandro at hindi si Simon ang nagbigay sa kanya ng red roses at malaking teddy bear.

"Thanks po Sir. I appreciate your thoughtfulness." aniya sa kabila ng naramdamang disappointment.

"Welcome Yassi. Happy birthday again. See you then. I hope makadalaw na ako kay Nanang Adela."

"Okay po Sir."

Silent PainWhere stories live. Discover now