"Habang wala si Adrixeinna kanina, pina-inject ko sa nurse ang dugo ng kapatid ko. Nilagay namin iyon sa isang kwintas at heto nga iyon." inabot niya isa-isa ang necklace sa amin at kaagad ko namang inabot.

Sabay-sabay naming isinuot sa mga leeg namin ang necklace na binigay ni Ate Cherry.

"Maraming salamat anak! The best ka talaga!" maluha-luhang sabi ni Tita kay Ate Cherry.

"Hindi man natin kasama ang presensya ni Trevyn, dala-dala naman natin ang dugong nanalaytay sa katawan niya." nakangiting sabi ni Tito kay Ate Cherry.

"Alam kong hindi magiging madali ang proseso ng pagtanggap natin sa pagkawala ng isa nating pinakamamahal pero mananatili lamang siyang narito sa atin, sa ating puso." nakangiting turo ni Ate Cherry sa puso niya.

"Wala man ang presyensya niya, lagi naman natin siyang dala-dala sa pangaraw-araw." nakangiting sabi sa amin ni Tita.

"Hindi pa ba tayo aalis? Baka mamaya ay mainip sa pagiintay sina Father at lahat ng mga taong gustong makakita kay Trevyn." kalmadong sabi sa amin ni Tito.

"O siya, tara na." nakangiting sagot ni Tita kay Tito.

Binuhat ni Tito papalabas ng bahay si Trevyn at isinakay siya sa kotse upang makaalis na kami.

Nagpunta na kami sa dating ilog na tinatambayan namin madalas ni Trevyn noong buhay pa siya.

Inilagay siya sa bangka at nakita ko ang mga mahahalagang tao para kay Trevyn lalong-lalo na sa pamilya niya.

Nagsimula na si Father na dasalan ang bangkay ni Trevyn at patuloy lang kaming naki-isa sa panalangin nila.

Nakita ko ang pamilya ko na naririto rin at kaagad silang lumapit sa akin para yakapin akong mahigpit.

Binigyan nila ako ng bulaklak na iaalay ko sa katawan ni Trevyn pagkatapos ng panalangin ni Father.

Nagkawayan lang kami ng mga kaibigan ko at nag-pokus ako sa panalangin ni Father sa katawan ni Trevyn.

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.

Si Czheandrei.

"Nandito lang ako palagi, alam kong hindi pinagsisihan ni Trevyn na makasama ka sa mga huling sandali niya." nakangiting sabi niya sa akin.

"Sobrang blessed ko sa buhay dahil ipinaramdam niya sa akin ang kakaibang pagmamahal niya para sa isang tao. Hindi ako nagkamali na siya ang naging duo ko sa buhay. Maging patay o buhay man siya. Wala akong pinagsisihan sa lahat ng alaala naming dalawa dahil alam kong isa yon sa mga pinaka-masasayang moments ng buhay ko na makasama siya at maging parte ng kapalaran ng bawat tadhana namin sa reyalidad." nakangiting sagot ko sakaniya.

"Noong makilala ko siya, nakatagpo ulit ako ng isang kapatid sakaniya. Iba ang connection namin. Marami kaming napag-kwentuhan tungkol sa buhay ng isa't-isa at nagawang bonding bago siya mawala. Isa siya sa mga best buddies ng buhay ko. Masaya ako na kapiling na niya si Lord ngayon at tahimik na ang pamumuhay niya." nakangiting sabi niya sa akin.

"Totoo, hindi mo mapi-feel na iba ka sakaniya kahit kakilala niyo pa lamang. Palagi ka niyang ituturing na kaibigan o kapamilya. Hindi siya tumingin sa itsura o katayuan ng isang tao sa buhay." nakangiting sagot ko sakaniya.

Natapos na ang panalangin ni Father at nagsimula na kaming alayan si Trevyn ng bulaklak pagkatapos ay nagbigay kami ng kaniya-kaniyang mensahe.

Naririto na rin ang mga archers na hinire ni Tito na susunog sa katawan ni Trevyn habang inaanod ang bangka sa ilog.

I'M INTO YOU SEASON 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin