Chapter 91

22 1 1
                                    

"Noted Pres! Kaming bahala, hindi lang kami professional player pero magaling sa programming ng computer at flash drive." nakangiting sagot sa akin ni Edward.

"Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin Pres! Hangga't nandito kami, hinding-hindi nila makukuha ang mga ebidensiya natin laban sakanila." nakangiting sagot sa akin ni Kiel.

"Mabuti! Ngayon ko kailangan ng mga taong reliable sa mga sources." nakangiting sabi ko kina Kiel at Edward.

"Vee, ikaw ang gagawa ng samples ng mga hand print nila sa katawan ko para mapatunayan natin na may ginawa silang physical torture sa akin at kailangan mo akong i-examine para malaman natin kung ano ang naging epekto nito sa katawan ko." malumanay na utos ko naman kay Vee.

"Sige mamsh! Ako bahala, may lab naman tayo rito sa school at mabilis lang ang magiging resulta nito. Sanay na akong gumamit ng mga kagamitan doon kahit sa hayop o tao ang kailangang i-examine dahil marami kaming performance tasks na maayos dapat ang pagkaka-execute ng mga steps kung paano ma-identify ang nangyayari sa katawan." nakangiting sagot sa akin ni Vee.

"DJ, kailangan nating magamit ang malakas na strategic planning and management skills mo. Alam kong may knowledge ka sa communication principles, media and public relations techniques. May ability ka para maka-communicate para mag-work effectively yung plano para kapag nalagay na tayo sa sitwasyon na kailangan na natin iligtas si Adri ay hindi tayo mahuli dahil baka buhay ang maging kapalit, naiintindihan mo ba?" malumanay na utos ni Czheandrei kay Danerie.

"Yes Kap! Huwag kang magaalala, alam mo namang in character ako kapag may mission diba? Kahit inside and outside the game. Magtiwala ka lang sakin, I got this game!" nakangiting sagot ni Danerie kay Czheandrei.

"Claire, ikaw ang gagawa ng data and analysis tungkol sa buong nangyari. Alam kong may experience ka rito at may knowledge kaya kayang-kaya mong gawin yan. I-set mo na din ang mga calculations mo. Sagutin mo lahat ng tawag at messages namin agad-agad tungkol sa proseso. I-assess mo din ang mga corespondents sa kalaban para maging malinis ang kilos natin." nakangiting utos ni Czheandrei kay Claire.

"Noted VP! Kayang-kaya ko yan, matagal na akong gumagawa nito similar JHS pa kaya hasang-hasa na ang skills ko pagdating sa mga ganitong misyon dahil mas lalong magiging mapanganib ang school kapag nagtagumpay sila sa nais nila." nakangiting sagot ni Claire kay Czheandrei.

"May mahalagang role din akong gagampanan tungkol sa request ko kay Ma'am Sheiana. Ako ang kakausap at makikipag-negotiate sa mga Principal's at officials ng schools. Kailangan nating maisakatuparan ito dahil isang beses lang ang pagkakataon at hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng oportunidad para ma-unveil ang totoo." nakangiting sabi ni Czheandrei sa aming lahat.

"Ako ang gagawa ng play. Ako ang magiging actress ngayong gabi upang mahuli ang mga traydor. Lahat nang ipapakita nila ay sasakyan ko ang trip nilang walang kwenta. Sigurado akong hindi nila makakalimutan ang araw na kinalaban nila tayo." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Magiiwan din ako sayo ng balisong at ilagay mo sa bulsa ng palda mo para madali mong makuha dahil alam kong itatali ka nila dahil alam naman nating ganoon ang mga gawain ng mga taong may balak na i-torture ka sa sakit at hirap." kalmadong sagot sa akin ni Czheandrei.

Binigay niya sa akin ang balisong at nilagay ko naman kaagad iyon sa palda ko.

"Mag-ready kayo at sinabi ko na rin ang script doon sa kakilala ko. Mauuna kaming kunwari na lalabas na kami ng Student Council Office at iintayin na lang natin si Pres sa gate." nakangiting sabi ni Vee sa aming lahat.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon