Natatakot ako sa mga maaring mangyari sa mga susunod na kabanata ng buhay ko.

Nagiging tahimik at madalas ay hindi ko maipakita ang totoong nararamdaman ko.

Adri, ikaw pa ba yan?

Heto ka na naman, bumabalik ka na naman sa dati.

Hindi ka ganiyan.

Umayos ka!

Bumalik ako sa ulirat nang bahagyang tumaas ang boses ni Mommy habang tinatawag niya ako.

"Sigurado ka ba talagang ayos ka lang anak? Maari kang magsabi sa akin, huwag kang mahihiya." nagaalalang sabi sa akin ni Mommy.

She really knows me too well.

Ganoon ba talaga ako kahalata na problemado ako ngayong araw?

Napaka-dami kong iniisip.

Ano na lang maihaharap kong mukha mamaya kapag pumasok ako ng school?

Ayoko namang pabayaan ang pagaaral ko dahil lamang sa isang lalaki.

Ay ewan ko! Bahala na!

"Wala naman akong problema Mi, tara na pong mag-breakfast?" Aya ko kay Mommy.

Nagpunta muna ako sa bathroom upang maghilamos ng mukha pagkatapos ay tinanggal ko ang charger ko sa pagkakasaksak.

Kinuha ko ang phone ko at sumabay na akong bumaba kay Mommy.

Nakita ko sina Kuya Adrixennus na nagkwe-kwentuhan sa may lamesa.

Kaagad silang napatigil noong makita nila ako.

"Good morning princess! How was your sleep?" nakangiting bati sa akin ni Daddy.

"Good morning Daddy, kulang lang ako tulog pero makakayanan ko naman mai-survive ito ngayong araw." nakangiting bati ko rin kay Daddy.

"Kung inaalala mo yung kagabi, nagawan namin ng paraan." seryosong sabi sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Ano ang ibig mong sabihin Kuya Adrixennon?" naguguluhang tanong ko kay Kuya Adrixennon.

"Pinalabas naming acting lang ang lahat at isang show ang nangyari. Nagkaroon ka ng emergency kaya hindi ka na nakabalik. Iyon ang ginawa naming dahilan sa crowd at nanatili na lamang iyong sekreto sa squad. Mabuti na lang at naniwala sila sa mga nangyari kaya wala ka ng dapat ipagpaalala pa." seryosong sagot ni Kuya Adrixennus sa akin.

"Ngunit bakit niyo ginawa iyon? Ano na lang ang sasabihin ni Czheandrei na umaarte lang siya sa pag-ibig niya para sa akin? Hindi niyo man lang naisip iyon?" kumunot ang mga noo ko at pinilit kong pakalmahin ang sistema ko.

"Minor pa kayong dalawa at hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend. Mas mabuting nangyari na rin iyon para malaman namin kung hanggang saan aabot ang pagmamahal ng lalaking yan para sayo. Bata pa kayo, marami pang darating sa buhay niyo. Huwag kayong magmadali sa mga bagay-bagay. Kung kayo talaga, kayo talaga. Hindi mo kailangang ipagpilitan ang pagmamahal na hindi pa para sainyong dalawa." nakangiting payo sa akin ni Daddy.

Teenage romance and relationships are an important part of overall development. Teenage relationships often involve exploring physical intimacy, sexual feelings and sexual attraction. Open, non-judgmental family discussions about relationships can encourage pre-teens and teenagers to share things with you.

Teenage romance teach us how to establish and maintain healthy romantic relationships can help adolescents develop into well-functioning adults with healthy adult relationships. Healthy dating during the teenage years can be an important way to develop social skills, learn about other people and grow mentally and emotionally to become a better version versions of yourselves in the future.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon