Chapter 50

585 10 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si Hiro sa hotel room na tinutuluyan ko. I've never imagine being with him alone in my...place.

Nakatitig ako sa kanya habang nagluluto siya ng bacon, he looks so serious while cooking. Parang may mga paru-parung nagsisiliparan sa tiyan ko...totoo pala 'yon? Napakagat labi ako habang tinitingnan ang malapad niyang likod. Kahit nakaputing t-shirt siya ay bumabakat pa rin ang malapad at malaki niyang likuran. Nakakainis, naiimagine ko talaga siya bilang mafia boss na nagluluto habang pinapanood ng asawa...ako 'yon!

Napatili ako bigla dahil sa kilig. Agad-agad niyang pinatay ang stove at nag-aalalang lumapit sa akin. Kunot na kunot ang noo at natatarantang chineck ako.

"What happened?!" He asked while looking for something that made me shout. Namumula ko siyang tiningnan at sunod-sunod na umiling.

Napakamot siya sa batok niya habang masama ang titig sa akin. Tumikhim ako at umayos ng upo. I heard him sigh and he looked at me with his serious face.

I smiled innocently and motioned him to continue what he was doing.

"M-may naalala lang." I softly said.

Mas lalo ata siyang sumeryoso kaya agad akong umiwas ng tingin. Mukhang wala siya sa timpla ngayon ah?

"And what was that?"

Umiling ako. Bumuntong hininga siya at tinalikuran ako. Tinitigan ko ang likuran niya bago dahan-dahang bumaba sa stool. Mabilis akong lumapit sa kanya at tumabi, sumilip sa niluluto niya.

"M-mukhang masarap 'ya--"

"Go back there, Haina." Malamig niyang sabi. Napatingala ako sa kanya at ngumuso. Nilingon niya ako pero agad binalik ang paningin sa niluluto.

Humalukipkip ako habang nakanguso, nakatingala pa rin sa kanya. I saw how his jaw clenched. He glanced at me again and he frowned.

"W-why are you...back to your cold treatment...to me?" Mababang tanong ko, nangingilid ang luha dahil feeling ko panaginip lang ang nangyari kagabi. Mabait at malambing siya sa akin kagabi, tapos biglang...malamig na siya sa akin ngayon. Dapat pala hindi na lang kami natulog.

"Haina," baling niya sa akin habang pinapatay ang stove. Napaawang ang labi niya nang makita ako. "B-baby," malambing na ang boses niya, agad niya akong kinabig at siniksik sa dibdib niya. "I'm sorry, okay?" Hinaplos niya ang buhok ko.

"A-ayaw mo na s-sa akin? U-umuwi ka na l-lang..."

He laughed. "Pinapauwi na ako ng baby ko..." He whispered and I pouted more.

Namumula ako habang mas sinisiksik ang mukha sa mabango niyang dibdib.

"You still have fever baby, I can't leave you alone."

"Sanay na ako..." Mapait kong sabi, double meaning pero alam kong alam niya 'yon. Lagi akong mag-isa at sanay na ako, noon pa man. Kinaya ko naman, buhay pa ako.

Hindi siya nagsalita, mas lalo lang niya akong niyakap. Naramdaman ko ng bilis nang tibok ng puso niya. Nagrerepleksyon iyon sa kabog ng dibdib ko. Masarap sa pandinig ang tibok ng puso niya.

"Ayokong masanay ka..." Mahina niyang sabi at mas lalo akong dinikit sa kanya. Nakadiin ang kamay niya sa batok ko at ang isa ay nasa bewang, gapos ako sa malalaki niyang braso.

"P-pero sanay na ako..." Tumawa ako nang mahina, may pait sa dila. "Noon pa man, bago ako nagtransfer sa Manila...noong andito ako sa La Isla Prinsesa pa ako, noong umalis ulit ako at nanirahan sa kabilang Isla, noong nanirahan ako rito sa hotel room...lagi akong mag-isa Hiro. K-kaya sanay na ako...kung mananatili man akong mag-isa hanggang sa mga susunod pa na taon ay ayos lang."

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now