Chapter 16

455 12 0
                                    

Kinabukasan ay nasa booth lang ako nakatambay. Foodie booth kasi ang pangalan ng booth namin. Kahapon ay marami kaming nabenta dahil kami lang naman ang nagbebenta ng pagkain sa bandang iyon. Malayo iyon sa rooms, infact nasa malapit iyon ng field. Presko ang hangin at sobrang sarap tumambay kaya marami ring bumibili at tumatambay.

"A cup of cappuccino please."

Agad akong tumungo sa timplahan at nagtimpla. Marami ang hindi pamilyar sa akin at sigurado akong sa ibang school sila dahil sa suot na ID, may pangalan kasi ng school.

"Miss! Can we get your number?"

Nahinto ako sa pag-abot ng binili niya at agad napatingin sa dalawang katabi niya. Nakangiti silang lahat sa akin at para bang inaabangan ang magiging sagot ko.

"If this is all about the booth, I'll give my phone number but if not...I'm sorry, I can't..." Pormal kong sagot.

Bumagsak ang mga balikat nila bago nagsikuhan. Tila'y may mga sasabihin pa kaya ngumiti ako ng tipid.

"T-tungkol sa booth! Ang sasarap kasi ng street foods na binebenta niyo at...at gusto naming magpareserve bukas k-kaya kukunin sana namin ang number m--"

"Here's mine."

Natigilan silang tatlo at napatingala sa tumabi sa kanila. Napatingin din ako at agad umiwas ng tingin.

"A-akihiro." Naibulong ng isa. Sabay-sabay silang umalis at nag-unahang kunin ang kaisa-isang binili.

"A-ano pong inyo sir?" Pilit pinopormal ang pagkakasabi.

Narinig kong bumuntong hininga siya at umupo. Nasa counter ako at nasa tapat ko naman siya. Hindi siya kumibo kaya inisip ko na lang na tatambay lang siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Sunshine. Kailangan kong umalis! Natatakot pa rin ako kay Hiro...baka galit pa rin ito sa akin. Ramdam ko ang titig niya, hindi ko lang sigurado kung  anong emosyon ang nakapinta sa mukha niya pero sigurado akong...galit iyon.

"Haina," agaw pansin niya sa akin pero patay-malisya akong nag-aayos ng mga tinda. Iniiwasan ko ring mapatingin sa kanya, sinasadya kong isipin na wala siya rito.

"Ate, kwek-kwek nga po. Fifty pesos."

Agad akong nagsalang sa kawali at inantay na maluto iyon. Nasaan na ba ang iba? Iniwan nila akong mag-isa e ang dami nitong paninda namin...

"Ate? Ikaw lang po mag-isa?" Tanong nito. Napatingin ako kay Hiro na agad namang sinalubong ng mga mata niya pero agad akong umiwas at ngumiti sa batang babae.

"Oo." Maikling sagot ko.

"Bakit po?! Hala, ang dami po nang tinitinda niyo!"

Ngumiti lang ako ng tipid bago nilagay sa cup ang binili niya.

Nakasimangot siya nang inabot ko ang binili niya.

"Kaklase niyo po ba si Kuya Xairon?"

Napatitig ako sa bata. Kanina ko pa iniisip kung sino ang hawig niya pero ngayon may ideya na ako kung sino.

"Kapatid mo si Xairon? Oo, kaklase ko siya."

"Tarantado talaga 'yon eh." Mahinang sabi nito bago nanlaki ang matang napatingin sa akin, nilagay niya ang hintuturo sa labi. "Shh ka lang ate ha, andoon kasi sila sa marriage booth ni Kuya Kent, nangtitrip po."

Tumango ako. Narinig ko ring nagpapalista sila ng kung sino-sino at pinapakasal or kaya ay pinapakulong.

"Wala po ba si Ate Sunshine?"

Umiling ako. "Hayaan mo na."

"Ayaw niyo po bang lumibot? Pwede naman po kayong magpapalit dito?"

Umiling ako. Masaya sana kung nasa mood akong magsaya pero...wala. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at feeling ko kapag nagsaya ako, mamayang gabi naman ako sobrang malulungkot.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon