Chapter 13

501 11 0
                                    

"I told you not to bring girls!" Piningot ni Chandria ang tainga ni Troy dahil may dinala itong tatlong babae. Hindi familiar sa akin.

Napatingin ako sa tatlo, kanya-kanya silang titig sa mga lalaking nakaupo. Bale sampo kaming lahat.

Ako, Chandria, 'yong limang kabanda ko at ang tatlong babae na dinala ni Troy.

"Harmless sila." Reklamo naman ni Troy habang hinahaplos ang tenga na piningot ni Chandria.

"Harmless? Look at them..." Inis na sabi ni Chandria.

Kanya-kanya silang lapit sa tatlong lalaki, Hiro, Trey at Brent. Si River ay nasa may tabi ni Chandria ngayon at si Troy naman ay nasa gilid ko dahil nga pinapagalitan ito ni Chandria. Katabi ko naman si Chandria.

Napatingin ako kay Hiro na busy sa kakausap sa babae. Napasimangot ako at tiningnan ang babaeng hinahaplos-haplos ang hita ni Hiro.

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring may tinitingnan sa cellphone na hawak ko.

"Hayaan mo na para hindi bori--"

"I'll invite some of my friends then." Hamon ni Chandria at kinalikot na ang cellphone niya.

"Chandria, huwag mo nang patulan." Hinawakan ni River ang braso ni Chandria pero parang walang narinig si Chandria at nagpatuloy sa pagtatype sa phone niya.

Nagkatinginan kami ni River bago sabay na napailing. Matigas talaga ang ulo ni Chandria at kung anong gusto niyang gawin ay gagawin niya, walang pasubali.

Agad namang binatukan ni River si Troy na kakamot-kamot lang sa batok.

"You think it's my fault, Haina?" Tanong nito habang nakanguso.

Agad akong tumango. "Dapat kasi hindi mo na dinala. Hindi naman ikaw ang may birthday ah? Bakit ikaw ang nagdadala ng mga bisita?"

Tumawa ito. "Para magkagirlfriend na sila." Nguso niya sa tatlo.

"Bakit? Gusto na ba nila?"

Mas lalo siyang natawa. Napasimangot ako.

"Okay, they are coming. And let me remind you that the two of them are asking for Haina's cellphone number." Nakangising sabi ni Chandria habang nakatingin sa dalawang lalaki.

"And we're dead..." Bulong ni Troy.

"Talaga?" Tanong ko kay Chandria.

Tumango ito. "Yes, and because of that I need you to give your number instantly."

"Bakit?"

"H-hoy 'wag." Awat ni Troy sa akin.

"You're dead." Pananakot ni River kay Troy.

Napasinghap si Troy. "Naglolokohan lang tayo rito e. Huwag kayong seryoso riyan." Halata ang kaba sa boses niya.

Nagtataka ko silang tiningnan. Ngiting-tagumpay naman ang namutawi sa labi ni Chandria na ikinatataka ko. Masyadong nakakalito ang pinag-uusapan nila.

Bakit naman mamamatay si Troy? Dahil nagdala siya ng mga babae?

"Let's go, samahan mo akong salubungin sila sa labas--"

"I'm coming..." Mahinang sabi ni River na agad sinaway ni Chandria. "Why?" Takang tanong ni River.

"Just let us be." Hinatak na ako patayo ni Chandria kaya agad kong inayos ang damit na croptop, binigay sa akin ni Chandria sabi niya suotin ko raw. Sleeveless iyon na fitted. Comfortable naman ako, dahil nagsusuot din naman ako ng ganitong mga suotan.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Trey nang nasa may pintuan na kami.

"Ask your twin, idiot."

Napaawang ang labi ni Trey at tiningnan si Troy.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon