Chapter 5

593 10 0
                                    

"This sunday, sama ka." Aya sa akin ni Sunshine habang nasa cr kami at inaantay ko siyang matapos maglagay ng liptint.

"Saan?"

Tiningnan niya ako sa salamin at ngumisi. Napataas ang dalawa kong kilay.

"Ibebenta ko ang mga lamang loob mo."

Napaawang ang labi ko. "Sunshine!" Saway ko dahil niloloko na naman niya ako. Ang lakas niyang mantrip.

"Charot lang," humalakhak ito at kinurot ang tagiliran ko. "Tutugtog ang banda sa isang bar."

Sa nababasa ko sa mga nobela, bawal ang minor de edad?

"Hindi ba, bawal tayo?" Nagtataka kong tanong.

Kumindat siya. "Ako ang bahala."

"Ayoko, Sunshine." Iling ko agad. Baka kung mapaano pa kami. At hindi pa ako nakakapasok sa bar.

"Akala ko ba crush mo si Akihiro? Bakit ayaw mong pumunta?" Nakanguso na ito.

Nauna akong maglakad palabas ng cr at sumunod naman agad siya. Mabilis ang mga kamay na pumulupot sa braso ko.

"Natanggap kasi ako sa part time na inapplyan ko sa library natin, hindi ba nag-apply ako roon? Bukas maaga ang pasok ko kaya bawal akong mapuyat."

Nagdabog siya ng paa niya kaya sinulyapan ko siya. Dismayadong-dismayado siya pero wala rin naman siyang nagawa.

Nang mag lunch ay agad akong hinatak ni Sunshine at hindi ko alam kung bakit kami nagtatago rito sa may cafeteria.

"Bakit? May tinatakasan ka ba?" Taka kong tanong at akmang sisilip mula sa pinagtataguan namin nang itulak niya ako pabalik sa pwesto ko.

"Oo, 'yong mga depungal."

"Sino?" Taka kong tanong. Depungal? Wala akong kilalang Depungal ang pangalan, mabantot masyado sa pandinig ko.

"Sina Xai at Kent." Mariin niyang sabi. Sumisilip pa siya sa entrance.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kanya. Ang lakas talaga ng trip ni Sunshine, minsan hindi ko siya masabayan.

"Nagugutom na ako, Sunshine." Sabi ko at kinalabit siya.

Napa-ow siya at hinatak ang dalawa kong braso. Tiningala niya ako at bumungisngis.

"Sasama kasi ako sa 'yo! Ayoko nang kasabay sina Xai at Kent kumain. Lagi mo na lang din akong iniiwan tuwing lunch dahil kasabay mo sila Chandria." Nagtatampo na ang tono nito.

Napangiti ako. "Tara na. Pwede naman siguro kayong sumabay na tatlo. Mas masaya kung marami."

"Tama ka riyan pero huwag na nating isama 'yong dalawa. Baka ilaglag ako kay Akihiro."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Hindi ka naman siguro mahuhulog?"

Napatitig siya sa akin bago humalakhak. "Ewan ko sa 'yo, Haina. Tara na."

Hinatak niya ako patungo sa table nila Chandria. Mukhang wala sa mood ang mga tao sa table kaya naman nahihiya akong bumati. Unang nag-angat ng tingin si Trey kaya sa kanya ako ngumiti.

"Oh Haina, hi!" Bati nito. "Upo ka rito--"

Napalingon agad ang lahat sa table sa akin.

"Haina!" Tila nabuhayan si Brent at agad tumayo. Akma itong lalapit sa akin nang hatakin siya ni Chandria pabalik sa upuan niya.

"Where have you been Haina?!" Inis na tanong ni Chandria at tinuro ang bakanteng upuan katabi ni Hiro. Naupo ako roon pero agad ding napatingin sa dalawa pang upuan na bakante.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now