Chapter 6

581 12 0
                                    

"Bessy, 'yong crush natin may nililigawan na." Naiiyak na bungad sa akin ni Sunshine kinabukasan.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong at sinabit ang bag sa may upuan na nasa harapan ko. Maingat akong naupo at hinarap si Sunshine, nakuha na ang atensyon ko sa malungkot niyang mukha.

"Si Akihiro may nililigawan na."

Napakurap-kurap ako. Ano raw?

"Taga nursing department daw. Iyon ba ang mga tipo niya? College student din? Ayaw niya ba sa high schooler? Junior? Ano? Kawawa naman tayo." Madrama niya akong niyakap at agad ko naman siyang niyakap pabalik. Nalilito pa rin at nakakaramdam na nang kakaiba sa aking dibdib.

"T-talaga? G-grabe..." Wala akong masabi kundi iyon lang. Ano ba ang dapat?

'Wow, grabehan ang mga tipo ni Hiro.'

'Wow, ang ganda siguro niyon. Wala siguro tayong panama, Sunshine.'

'Good for him, okay lang, crush ko lang naman siya.'

Iyon nga sigurong huli ang mas mainam na sabihin.

"Hayaan mo na, hanap na lang tayo nang ibang crush. Marami namang magagaling din kumanta rito tapos ma-appeal. Hindi lang expose kasi walang banda."

Napatango ako nang dahan-dahan. Para akong nakalutang sa ere dahil sa nalaman.

May nililigawan na si Hiro? Ibig bang sabihin, ika-crush out ko na?

Iyon kasing dalawang naging crush ko dati ay kin-rush out ko na dahil may mga naging girlfriend na at ayoko nang ganoon. Hindi ko alam bakit ganoon ako. Nawawalan ako nang interes sa isang tao kapag nalaman kong hindi ako nito gusto or kapag may nagugustuhan na ito.

Siguro itatatak ko na lamang sa isip ko na, I like his voice...only that. Iyon lang...wala nang iba.

Lunch. Kasabay namin sila Chandria as always. Kasama na rin namin sa table sina Xairon at Kent pati ang nililigawan ni Hiro. Kaya naman ang dating pwesto ko ay pwesto na ngayon noong nililigawan niya.

Napatitig ako sa babae. Makinis, maputi, maganda, matangos ang ilong, pinkish ang pisngi at ang pula ng mga labi, para siyang inukit na anghel. Ang ganda-ganda niya.

Nagkatinginan kami ni Sunshine bago sabay na napasimangot. Siguro pareho kami nang naiisip. Kay Sunshine pa nga lang, wala na akong panama rito pa kaya sa nililigawan ni Hiro? Parang anghel na bumaba sa lupa, grabe.

"Pangatlong beses na namin itong pagsama, ngayon lang kita nakatabi Haina." Natatawang sabi ni Xairon at agad naman akong ngumiti sa kanya.

"Huwag kang mag-alala at palagi na tayong magtatabi."

Nakipag-apir ito sa akin kaya natatawa akong umiling-iling. Ang ligalig niya masyado, parehong-pareho sila ni Kent. Hindi na nakakapagtaka dahil nagkahawaan na siguro sila ng ugali.

"I don't think that's a good idea." Sabi ni Chandria kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Po?" Taka kong tanong. Anong hindi magandang idea?

"Bibili lang ako ng pagkain." Paalam ni Brent. Nauna na itong bumili kaya naman napasunod ang tingin ko sa kanya.

Napatingin ako kay Hiro dahil nagpatunog na ito ng mga daliri sa table. Agad din akong umiwas ng tingin dahil nakapulupot ang mga braso ng babae sa braso niya.

"Libre na kita, Ha--"

"No need, I'll pay for her food." Singit agad ni Chandria at hindi na pinatapos pa si Xairon.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now