Chapter 44

466 13 8
                                    

"Why are you doing this, Haina?"

I continue packing my things and ignored what she said. I wiped my tears and started sobbing while remembering how ruthless he can be. I'm afraid if I will not leave...he'll hurt me...and he'll hurt the people I love. Sila na lang ang meron ako at kung ikapapahamak nila ang makasama ako, I'm willing to leave! Kaya kong gawin lahat ng gusto niyang mangyari basta huwag niya lang sasaktan ang mga taong mahal ko.

"Please...natatakot na kami sa ginagawa mo! Is it about Cassy and Akihiro?!"

I shook my head. That's the least I could think about of leaving! Ano ngayon kung inaapura sila ni Tita na magkasal na? I hate her idea but if Hiro likes it...I don't have the right to judge him, who am I, anyway? False motives lang naman ang binibigay niya sa akin!

Iwinaksi ko sa isip ang naisip. Stop thinking about that Haina! Mas isipin mo ang pag-alis mo. Tama na na nakita ka ni Chandria na nag-aalsa balutan, huwag mo nang paabutin na dumating sina Tita at Hiro!

"Listen," hinawakan ko ang dalawang balikat ni Chandria at seryoso siyang tiningnan, alam kong namamaga pa rin ang mga mata ko pero bahala na. "Chandria, bestfriend kita...I know you'll help me. Hide me." Pagsusumamo ko at unti-unting nanghina ang mga kamay.

Napaawang ang labi niya. Nangilid ang mga luha niya at agad akong niyakap.

"Why? Why? Please...I'm worried..."

I sobbed. "Hindi ko kakayanin...please," I break down. My hands trembled as I think about of losing someone I love.

I cried on her shoulder over a minutes before calming myself. I need to be strong...this is the reality I belong, where I will only have myself, just like before. That's how the fate wanted for me, to be alone...forever.

I won't believe in happy ending anymore. Look where I ended up again? Living alone...in this town where I don't know whom I interacted to.

"Manong, isang kilong tilapya nga ho."

Tiningnan ako ni Manong bago tumangin sa hawak kong bayong.

"Bakit hindi mo na lamang isinama ang asawa mo, hija? Ang bigat niyan." Bati niya sa punong-punong bayong, kita na ang mga pinamili kong mga gulay.

Ngumiti ako at umiling. "Wala po akong asawa."

Nagulat ito. "Ay totoo ba hija? Aba'y sa ganda mong 'yan? Bulag lang ang hindi mabibighani sa iyo."

Hindi na lang ako sumagot. Inabot niya sa akin ang binili kong isda at agad akong umalis doon. Binobola pa ako ni Manong.

"Tulungan na kita Syria."

Si Ulan pala. Nakilala ko siya rito sa palengke, tuwing linggo kasi ay namimili ako. Iyon lang kasi ang bakante kong araw dahil sa pinapasukan kong tindahan ng mga damit ay linggo lang sarado, that's my day off. Maliit lang ang clothing line nila pero mabenta iyon dito sa baryo dahil ito lamang ang nagtitinda rito ng mga damit. Magaganda ang mga gawa nila kaya naman may mga dumadayo rin, iyon nga lang dahil sa liblib ay pahirapan pa sa pagbebenta dahil 'yong iba ay tinitake advantage ang pagiging local ng clothing line.

"Huwag na. Baka magalit din ang nanay mo. Kaya ko na 'to."

Napakamot siya sa batok niya at nilingon si Aling Pasing na nanlilisik ang tinging nakatingin sa amin. Mainit ang dugo sa akin ng matanda dahil sa hindi ko alam na dahilan.

"Pasensiya ka na..." Nakangiti niyang sabi at namula. "Ganyan lang talaga si Nanay pero mabait 'yan."

Tumango ako. "Okay lang, sabihin mo na lang na babalik ka na."

Tumango siya. "Ingat ka sa pag-uwi. Si Tatay na lang ang sakyan mo, mababa maningil 'yon!"

Ngumiti ako at tumungo na sa paradahan ng sasakyan. Dahil nga may pila ang mga tricycle driver ay hindi ko na sinunod ang gusto ni Ulan, sumakay ako sa nakaunang tricycle.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora