Chapter 26

496 11 2
                                    

"Drink this."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang biglang may nagsalita, nanlalaki ang mata kong tiningnan ang lalaki at napaawang ang labi.

Seryoso ang mukha nito at ni hindi makatingin sa akin. Gulong-gulo pa ako at masyadong nagulat sa presensiya niya.

I-ibig sabihin...

Inabot niya sa akin ang isang basong tubig at gamot. Nangingig ang kamay kong kinuha ang baso pero agad niya ring binawi at siya na ang nagpainom sa akin. Hindi ko talaga masalubong ang mga tingin niya dahil panay ang iwas niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko...

Mabilis niyang pinadapo ang palad sa noo niya kaya mas lalo akong kinabahan. Napaatras ako kaya kumunot ang noo niya pero hindi pa rin makatingin sa mga mata ko.

"Take a rest." Akmang lalayo na siya nang hawakan ko ang laylayan ng damit niya. Agad siyang napatingin doon, hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ko dahil nanghihina ako.

"I-iiwan mo a-ako?"

Napalunok siya at napatingin sa akin, deretso sa mga mata ko kaya agad akong napatitig din sa mga mata niya. Para akong hinihigop. Halo-halo ang emosyong nababasa sa mga mata niya pero agad iyong napalitan ng blangko.

"Bakit? Kailangan mo pa ba ako?" Seryosong tanong niya.

Napaawang ang labi ko. Ngumisi siya at napailing-iling. Mukhang dismayado na hindi ko maintindihan.

"G-galit ka pa rin ba sa a-akin? A-ano bang k-kasalanan ko? N-ngayon na nga lang ulit tayo n-nagkausap tapos...galit k-ka agad?"

Marahan niyang inalis ang kamay ko sa laylayan ng damit niya at tumalikod. Nangilid ang luha ko. Anong ibig sabihin n'on?

"Hindi mo ako maiintindihan kahit kailan dahil magkaibang-magkaiba tayo ng nararamdaman." Mariing sabi niya.

Napatingin ako sa likod niya. Pinunasan ko ang mga luha ko at suminghap.

"S-siguro nga...s-siguro nga dahil k-kahit kailan h-hinding-hindi mo ako magugustuhan."

Marahas siyang humarap sa akin na may galit sa mga mata pero agad iyong lumamlam nang makita ako. Umiwas siya ng tingin gaya nang lagi niyang ginagawa at tinagilid ang ulo.

"At sa tingin mo mag-aaksaya ako ng oras dito para ano?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa tanong niya. Bakit parang kasalanan ko pa kung bakit nasasayang ang oras niya? Hindi ko naman siya pinilit na pumunta rito at alagaan ako. Kaya ko ang sarili ko!

"U-umuwi ka na k-kung ganoon." Mahina kong sabi at yumuko. Nagsipatakan ang mga luha ko at kumakawala na rin ang mga hikbi.

"You didn't get my point, did you?" Natatawa niyang tanong ngunit hindi iyon tono nang natutuwa.

"K-kung napilitan ka l-lang na alagaan ako, u-umuwi ka na lang po...k-kaya ko ang sarili ko..."

"Do you think I can afford to leave you here? With your state?"

Hinatak ko ang kumot pataas hanggang dibdib ko at umiiyak na tumango.

"I'm that low for you huh?" Natawa ulit ito gaya nang tawa niya kanina. "I don't understand why I'm fucking experiencing this shit. I waited...I'm still waiting pero naiinip na ako."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ako umimik.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Umiling siya at nilapitan ako. Nagulat ako nang haplusin niya ang pisngi ko, agad akong napapikit nang maramdaman ang marahan niyang haplos gamit ang magaspang niyang kamay.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now