Chapter 15

483 12 0
                                    

"Narinig mo ba 'yong balita?" Tanong ni Sunshine nang maglunes, iyon agad ang bungad niya sa akin.

Nagsuklay ako ng buhok at inayos ang mga baby hair na naging bangs ko na.

"Ano na naman 'yan?"

Ngayon kasi ang performance namin para sa simula ng foundation week. Nag-aayos na ako.

"Andito na raw si Yuna."

"Sino 'yon?" Taka kong tanong.

"'Yong ex ni Akihiro! Grabe, naalala ko pa dati sobrang tunog ng pangalan nila dahil sa relasyon ni--"

"M-mauna na pala a-ako, Sunshine. Kita-kits n-nalang sa gymnasium." Agad akong tumayo at hindi na hinintay ang sasabihin niya pa. Mabilis kong nilisan ang room at tinungo ang restroom.

Hingal na hingal ako nang makarating doon. Dagdag pa siguro ang pagkakalungkot ng puso ko. Napasensitive ko talaga.

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Ngumiti ng pilit at napailing-iling. Ibang pangarap na naman ang nadagdag sa list ko pero sobrang labong makamit.

Hawak-hawak ko ang paper bag kung saan nakalagay ang microphone at naglalakad patungo sa music room. Masyado akong occupado na hindi ko napansin na may makakasalubong ako at dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

"Oh I'm sorry!" Agad itong tumulong sa aking at kinuha ang nahulog ko na paper bag. "I'm sorry," ulit nito.

Ngumiti ako at umiling sa babae. "Ayos lang po."

Yumuko ito at namula. "I-i'm actually looking for someone."

Kumurap-kurap ako, napatingin sa suot niya. Hindi siya pamilyar sa akin at mukha namang estudyante ito, hindi nga lang siguro rito.

"Sino po?" Kinuha ko ang paper bag. Nagsimula kaming maglakad, mas matangkad siya sa akin dahil feeling ko rin mas matanda siya sa akin nang konti.

"It's my...ex actually."

"Ex? Bakit niyo naman po hinahanap?"

Tumawa ang babae. "I just want to say Hi."

Tumango ako. Siguro maayos ang naging break up nila kaya parang okay lang.

"Don't get me wrong, I just really want to say Hi. We're okay naman simula noong nagbreak kami."

Ang sarap sa pakiramdam kung ganoon ang break up. Mature-break up kumbaga. Tanggap ng both side, walang hard feelings.

"Baka kilala ko po, I can help you--ay! Late na pala ako." Natataranta kong sabi nang maalala na pupunta nga pala ako sa music room! Inaantay na ako nila roon panigurado.

"It's okay, oh my gosh." Pati siya ay kinakabahan na rin. "You can go! I'll just ask someone else."

Nagpapasensiya akong kumaway at tumalikod bago mabilis na tumakbo. Pagpasok sa music room ay nagkakagulo sila. Hindi ko alam kung bakit pero nang makapasok ako ay galit na galit si Hiro.

"Where have you been?!" Malakas na tanong ni Hiro sa akin. Napatalon ako dahil sa gulat.

Never pa niya akong nasigawan ng ganito...pagalit pa. Hindi ko naman sinasadyang malate...

"Akihiro!" Saway ni Chandria habang sinusundan si Hiro na papalapit sa akin. "Stop it!"

"S-sorry...s-sorry, m-may inutos kasi si Ma'am Jas k-kanina sa Librar--"

"One hour?! You're one hour late!"

Napapikit ako at agad na nag-init ang mga mata ko. Ganito nga siguro kapag malambot ang puso mo, masigawan ka lang iiyak ka na.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now